Martes, Enero 24, 2012

SI PUTOL!



              Tampulan ng panghaharot at pangungutya, iyan ang mundong ginagalawan ni Putol. Titiyad-tiyad na naglalakad sa pamamagitan ng kanyang saklay, binabagtas niya ang mainit na daan papuntang ilog, sa tambakan ng basura.  Sa pamamagitan ng natitirang isang paa, sinusuong niya ang init ng aray at mabatong landas marating lamang ang kanyang patutunguhan.  Sa ngayon, dito siya nabubuhay sa pakikipag-unahan sa kapwa niya kapos sa buhay upang mamulot ng bakal, bote, plastic at iba pang pwedeng ipagbiling muli. Isa siyang basurero. Tulakan, murahan, palitan ng mga nakakukutyang maaanghang na salita, iyan ang tinitiis ni Putol makakuha lamang ng katiting na bagay mula sa basura. Dagdag pa dito ang init na nadarama kapag sinigaan ang tumpok nito Una-unahan sa pagligtas ng maipagbibiling mga bagay mula sa iniwanan ng apoy. Minsan ko na siyang namasdan na nabuwal sa gitna
ng nag-aapoy na basurahan.
             
            Nakalulungkot isipin na may mag-asawa daw na nakapulot ng supot ng pansit, ginawa nilang hapunan na siyang ikinaospital ng mag-asawa at ikinasawi ng babae.  

            “Ang kapalaran daw ay kapalaran.” Wika ni Putol. Naaksidente kasi siya sa motor na sinasakyan niya  at naipit ang isang paa na siyang dahilan ng pagkaputol nito. Sa una, inakala niya na tapos na rin ang kanyang buhay subalit kalaunan, natutuhan na rin daw niyang makisunod sa agos ng kapalaran. Tunay siya, at naalala ko tuloy ang sermon ni Fr. Dennis Espejo. “Habang may buhay daw ay may pag-asa subalit mas higit na kung may pag-asa, nakatutulong ito upang naisin ng tao na humaba pa ang kanyang buhay.”




 Putol nga ang isang paa ni Putol! Subalit hindi naman napuputol ang pagnanais niyang mabuhay at buhayin ang kanyang asawa at mga anak.. Nagbabasura siya, nanggagapasan sa panahon ng anihan, nakikialaga ng itik, naghahanapbuhay ng marangal sa kabila ng kanyang kapansanan!

           

2 komento:

  1. isa ka tlagang henyo ka belo...ipagpatuloy m lng ang iyong sinimulan at naway jan ka makilala s larangan na iyong pinili..mabuhay ka ka belo... more power...

    TumugonBurahin