Huwebes, Enero 26, 2012

L-PHOECOS in FOCUSLIGAS-ARC PHOTOGRAPHY AND ECOLOGICAL SOCIETY

untitled.bmp               Nagsimula sa isang simpleng paanyaya ni Bb. Rina Dionisio, para sa isang “BASIC PHOTOGRAPHY SEMINAR”
          
                Sa pamamagitan ng marubdob na pagnanais din naman  ni G. JAMES SINGLADOR na maibahagi ang kanyang mayamang karanasan sa potograpiya, nagkasama-sama ang mga nilalang, walang piniling edad, walang piniling antas ng pamumuhay, at walang piniling mamahaling kagamitan sa pagkuha ng larawan.

           Ang unang hangarin na magkaroon lamang ng kaunting kaalaman sa larangan ng potograpiya, nakiayon na rin ang pagkakataon sa isang mas makabuluhang layunin ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa kanyang kapaligiran.

          Inihahandog ang unang pindot ng LIGAS PHOTOGRAPHY AND ECOLOGICAL SOCIETY ang BULACAN FIESTA: SIGHT TO ENJOY, A MEMORY TO BEHOLD. Ito ay simpleng pagbabahagi ng mga Pistang ginaganap sa ibat-ibang bayan ng Bulacan, kasama na rin ang ibang larawan ng aming pagpapahalaga sa kalikasan.

          Bagama’t may mga malabong mga larawan at kulang sa aspeto ng teknikalidad, harinawa ay malinaw naming maipaabot ang aming  layunin na pakikipag-ugnayan sa kapwa at adhikaing  maging aktibong makilahok sa mga gampaning nauugnay sa pagbabantay at pag-aalaga ng kalikasan.




JAMES SINGLADOR
YUCEL SEVDI SERIN
ELVZ TANKIAMCO
NOMER PASCUAL
ISABELO M.  SANTOS

ERNESTO BERNAL

GEE-YAN VINCENT


AWEE TALLUNGAN
LAR KENNETH DE LARA

MAC ESPINOLA

JOHN MICHAEL VILLANO


MICHAEL SANTOS SISON

1 komento: