BULOG.... BULOG!!!
Tama hindi siya Blog...Bulog Talaga!
Isang umagang malamig dahilan sa "fog" na bumalot sa buong kabukirang hindi nalalayo sa aming tahanan.
Habang ako'y naniniyot ng isang kaakit-akit na gagamba sa kanyang sapot na may hamog...
Bulog!!! Bulog!!! Bulog!!!
"Magandang umaga Amang, ang kanyang magiliw na pagbati.
Siya ang mula sa aking pagkabata ay kilala nang si Mang German, may hilang bulugang baboy sa gitna ng bukid upang dumako sa kaparangan kung saan may isang kubong pawid na katabi nito ay kural at may ipabubulog na baboy...
Ganyan din lamang na may "kodak" ka halina at sumama ka at kuhanan mo nang larawan ang aking baboy habang kumakasta.
Pagkaraan ng may ilang sandali, natapos na ang ritwal at tinanong ako kung nakuhanan ko ang mga pangyayari.
Matapos kong ipakita sa kanya ang larawan, at kaginsa niyang sinabing hindi gaanong maganda, wala na tayong magagawa dahilan sa tapos na.
Hinila niya ang kanyang bulugang baboy habang buntong-hininga na winika...Hay! ang lamig ng hangin dito sa bukid. napakasarap damhin at pakinggan ang mga huni ng ibon at pagmasdan ang luntiang dahon ng palay!!
"Matagal ko na kayong nakikita sa hanapbuhay ninyong iyan, "Wika ko."
"A, oo, apatnapung taon na. Napaalila ako sa isang kamag-anak na ganito ang hanapbuhay, sa kanya ako lumaki, nagbinata st siya na rin ang naghanap ng aking mapapangasawa sapagkat ako ay likas na mahiyain at alam ko sa aking sarili na hindi ko kakayanin ang bumuhay ng pamilya." Gayon pa man, ayun at nakasal din at nagkaroon ng tatlong supling. Hindi ako nakapag-aral kaya sa pamamagitan nitong aking hanapbuhay na ipinamana sa akin ng aking kamag-anak bago siya namatay, dito ko hinugot ang pampaaral sa tatlo kong anak, isang marino, isang tapos ng IT at isang inhinyero. Eka nga, pinagbulugan ang lahat ng ipinakain at ipinang -paaral ko sa kanila. Kailangan lang talaga ang konting sipag, panalangin at tiyaga. Basta huwag lang makakalimot sa itaas.
"O siya, Amang, maganda ang ating pag-uusap, dangan nga lamang at maiinitan ang aking bulugang-baboy, hanggang sa muli nating pag-iirong".
"Maraming salamat Mang German sa mga ginintuang butil ng pag-asa na ipinagkaloob ninyo sa akin"
" O siya, hanggang sa muli, at maiba ako hindi German ang pangalan ko, pangalan iyon ng dati kong amo."
Sinipa na niya ang kanyang "Honda" umangil ang kanyang makina at gumulong palayo na hindi ko naitanong ang kanyang tunay na pangalan!
Linggo, Enero 29, 2012
Biyernes, Enero 27, 2012
SAMPAGITA PO!
Nakalulungkot
isipin na dito sa Baliuag, Bulacan, may mga mangilan-ngilan pa ring kabataan ay
namamalimos. Ito na marahil ang kanilang nakasanayan sa buhay bunsod na rin ng
pagsang-ayon ng kanilang mga magulang. Subalit sa mga kabataan dito ay may
isang batang lalaki na nagsusumikap upang kumita sa isang magandang pamamaraan.
“Sampagita po!”
iyan ang malimit mong maririnig sa ilan sa mga bata na nagtitinda karaniwan sa
labas ng simbahan. Mayroong halo ng pamimilit upang sila ay bilhan.
Si “RJ” ay
labindalawang taong gulang lamang. Hindi mo mababakas sa kanya ang kanyang edad
dahilan marahil sa hindi sapat na pagkain araw-araw. Maliit sa karaniwan,
maitim, payat at may bahid ng dungis. Naiiba nga siya sa karaniwan sapagkat sa
kanyang murang isipan, naroon ang kanyang pagsusumikap upang kumita ng
ikatutustos sa kanyang buhay. Hindi kilala ni rj ang kanyang mga magulang.
Iniisip niya na buhay pa ang mga ito at minsan ay nangarap na Makita sila. May kapatid siya na mas matanda sa kaniya.
Hindi ko lamang sigurado kung tunay nga niya itong kapatid lalo na nang sabihin
niya na siya ay nasa pangangalaga ng kanilang lola na marahil ay kumupkop
lamang sa kanila sapagkat hindi man lamang daw nababanggit ng kanilang lola
kung sino ang kanilang mga magulang.
Ang pasasalamat
ni RJ ay ganoon na lamang sapagkat kahit paano, pinagkakatiwalaan siya ng
kanyang kapitbahay sa pagtitinda ng sampagita. Puhunan lamang niya ay pawis at
pagtitiwala. Umulan man o umaraw, inaabutan ng gabi sa lansangan maubos lamang
ang kaniyang sampagita.
Harinawa, ang
bango ng itinitinda niyang sampagita ay maamoy ng kapwa niya bata upang sundan
ang kanyang yapak. Sundan nawa nila ang halimuyak ng may dala ng sampagita lalo
na ang halimuyak ng pagsusumikap kumita sa malinis na pamamaraan upang mabuhay!
SAN JUAN DE DIOS-mula sa sermon ni Mons. Andres Valera-March 8-Kapistahan ni San Juan de Dios
Tunay nga na ang Ebanghelyo sa araw na ito ay naglalarawan
ng buhay na tinahak ng ating banal na Patron: SAN JUAN DE DIOS. Sa kanyang
pagtulong sa mga maysakit, may karamdaman, mga taong nangangailangan ng
pagdamay. Sapagkat sa bawat isang
Kristiyano, ay ito rin ang itatanong sa pagharap niya sa Diyos sa huling
paghuhukom.
Kung
ano ang ginawa natin sa pinakamaliit nating kapatid, iyan ay ginawa natin para
sa Diyos. At sa buong buhay ni San Juan ay iyan ang kanyang pinagsikapang
gawin.
Siya’y
isinilang noong taong 1492 sa Montemar, Novo Portugal. Dito, sa bata niyang
gulang siya’y lumisan sa kanyang tahanan sa hangaring maglakbay, magkaroon ng
karanasan sa daigdig, at iba-ibang gawain ang kanyang ginawa at gayon rin
naman, mga karanasan. Hanggang sa isang araw matapos na siya ay hirap sa
pagtitinda ng aklat sa gulang na 46, siya’y naglalakad at mayroong isang batang
nag-alok sa kanya ng Granada, at ang sabi sa kanya’y “ang Granada ang magiging
krus mo sa buhay.” At sa Espanya, ay mayroong siyudad na ang pangalan ay
Granada kaya nga kanyang inari ang mga bagay na itong tila baga isang pangitain
na ang Sto Nino’y nagpakita sa kanya at sa gayon ay nagpunta siya sa Granada. Dito’y
nagsimula siyang magtinda ng aklat.
Isang
araw sa pangangaral ni San Juan ng Avila ay nakita niya ang kanyang
makasalanang buhay. At sa gayo’y tumalikod siya sa kanyang buhay, mga
karanasan, at nagsimulang yakapin ang Panginoon. Siya’y naglakad sa lungsod na
dinadagukan ang dibdib at sinasabing siya’y makasalanan. Tinatawag ang mga tao
sa pagsisisi at pagbabalik-loob. At dahil dito’y pinaghinalaan siyang
nasisiraan ng ulo, at dinala siya sa isang bahay ng mga nasisiraan ng ulo.
Subalit dito’y pinuntahan siya ni San Juan ng Avila upang palayain at upang
ipakita ang tunay na tawag sa kanya ng Panginoon. Sa huli, siya ay nagtatag ng
isang bahay na tumutulong sa lahat ng klase ng taong maysakit at nasisiraan ng
ulo. Dahilan na rin sa kanyang naging karanasan kung paano trinato ang mga
nasisiraan ng bait. Sa kanyang pagtitinda ng kahoy, pinagsikapan niyang
suportahan at tulungan ang mga maysakit, hanggang sa huli, sa kahuli-hulihang
sandali ng kanyang buhay, ayon sa kasaysayan, sa gulang na 65 siya ay pumanaw,
ang dahilan din ng kanyang pagpanaw ay ang pagsisikap din na maligtas ang isang
batang nalulunod. Tumalon siya sa ilog nang makita ang batang nalulunod.
Nailigtas niya ito subalit siya ay dinapuan ng mabigat na karamdaman at ito ang
kanyang ikinamatay.
Sa
araw na ito na ginugunita natin ang kanyang kapistahan, ang kanyang halimbawa
ang tumatawag din sa ating lahat upang sa gayon ang mabuting balita ng
Panginoon ay makita sa ating buhay. Sa pagtulong at pagkakawang-gawa, sa mga
nagdurusa, sa mga dukha, sa mga may karamdaman, sa mga taong nakakalimutan na
ng lipunan. Sapagkat ang tunay na buhay Kristiyano ay nakikita sa ating mga
gawa. Hindi lamang sa magagandang mga pananalita.
Ang
mga banal na tao’y ibinibigay sa atin ng Simbahan upang maging halimbawa ng
pagsunod sa Diyos. Ang halimbawa ni San Juan ang ipinakikita sa atin ng tunay
na pagsunod sa Panginoon, sa pagyakap sa mga higit na kapus-palad.
Kung
minsa’y tinatanong ng mga hindi nakakaintindi sa ating Pananampalatayang
Katoliko, bakit daw ba mayroon pang mga Santo? Bakit pa inilalagay ang mga
Santo sa karo? Bakit nga ba? Ang
dahila’y itinataas natin sila bilang bayani ng pananampalataya. Kung ang
bansa’y may bayani, ang Simbahan ay mayroon ding mga bayani, at ito’y ang mga
banal na nasa langit na sa atin din ay kumakandili at nananalangin.
Ang
Parokyang ito ay itinatag sa pamimintuho at tagasunod ni San Juan De Dios.
Sapagkat noong araw ang mga bukirin dito ang
siyang bumubuhay sa mga ospital na itinayo ng mga hermano ni San Juan De
Dios at iba pang mga bahay sa Maynila. Sila’y mayroong malaking pamimintuho kay
San Rafael. Sapagkat si San Rafael, gaya ni San Juan De Dios ay kinikilala ring
patron ng mga maysakit. Kaya nga ang bayan ay itinatag, ito’y ipinangalan kay
San Rafael at ito ang dahilan kung kaya sa ating parokya ay magkatambal na
santong ito ang ating inaalala. Dalawang santo na parating ang nagging tanda ay
ang pagkalinga sa mga maysakit o may karamdaman. Subalit dapat nating
alalahanin lalo ngayong panahon ng Kuwaresma, na ang karamdaman ay hindi lang
karamdaman ng katawan, kundi ng kaluluwa, lalo’t higit ang kasalanan. Kaya nga
sila’y tumatayo upang tawagin din tayo sa pagbabalik-loob. Kung paanong
tinalikuran ni San Juan ang kanyang buhay at siya’y nagbalik-loob sa Diyos.
Ayon
sa isang leyenda’y hindi daw nila alam ang apelyido ni San Juan. Wala pong
nakaaalam ng apelyido niya. Nalimutan na sa haba ng panahon. Subalit dahil sa
kanyang ipinakitang pagmamahal sa Diyos, tinawag siya ng mga taong San Juan De
Dios, San Juan ng Diyos. Kay gandang makita na bawat isa sa atin, nana kapag
kinakitaan ng mabuting gawa: Si Mario, si Marisa, si Miguel ay lagyan ng
apelyidong-ng Diyos. Sapagkat tunay ngang ang bawat isang Kristiyano’y iyan ang
dapat nating tatak na tayo’y mula sa Diyos at para sa Diyos. Na ang Diyos ang
inihahatid natin sa bawat isa at sa ating kapwa-tao.
Sama-sama
sa banal na misang ito, idalangin natin na patuloy tayong pagpalain ng
Panginoon sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga Hermanong nagtalagang muli ng
kanilang sarili sa paglilingkod sa Diyos, tayo din naman ay makasama ng mga
banal sa langit! AMEN!
SI LITO-SIKYO!
Sakay ng kinakalawang at hindi mamahaling bisikleta,
pumapasok araw-araw si Lito sa Circa 1900
isang restaurant, kainan at inuman.. Security guard siya rito, sikyo sa
madaling salita. Alas singko ng hapon
hanggang alas dos ng madaling-araw ang kanyang duty. Puhunan ang tining ng kalooban, matalas na pag-iisip at
malakas na pangangatawan. Nagmamanman upang maiwasan ang kaguluhan at kung
magkagayon man, handang ipara ang sariling buhay sa kamatayan sapagkat bahagi
ito ng didikasyon niya sa kanyang
hanapbuhay. Trabaho sa gabi, tulog sa
araw. Binabaligtad ang tunay na
kakanyahan ng ikot ng mundo upang kumita ng pantawid-gutom. Kung tutuusin,
kulang na kulang ang kanyang suweldo gayong buhay ang nakataya roon. Subalit
hindi siya nagrereklamo sa buhay. Wala siyang hinanakit sa kung ano siya at
kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.
Mula
sa kanyang inuupahang apartment sa Tangos ay dumadaan siya sa ilalim ng Baliuag Skyway. Nakatutuwa sapagkat
medyo maluwag ng nakararaan ang mga sasakyan na galing sa Pampanga patungo sa
bayan ng Baliuag. Ang paglalagay ng skyway
na ito, bagamat hindi rin kaila ang perang ginugol ng pamahalaan dito ay naging
tampulan din ng mga pagbatikos ng mga negosyante at ng ibang mga concerned
citizen daw. Walang pakialam si Lito dito. Sapat na sa kanya ang may makitang
proyekto na tunay namang nakatutulong sa mga tao.
Manaka-naka
pa rin niyang nararamdaman ang mabagal na daloy ng trapiko dahilan na rin
siguro sa talagang madami na ang sasakyang pumapasada. Nakalulungkot na baka
dumating ang panahon na sa dami ng sasakyan hindi na talaga sila makausad at
hindi na makarating sa kanilang pupuntahan sa tamang oras.
Gaano
kadami na kayang usok ang nasinghot ni Lito at ilang aksidente na kaya ang
kanyang naranasan sa gitna ng daan. Ilang tricycle
driver na kaya ang kanyang nakakaaway sa dahilang wala silang ayos sa
kanilang pagmamaneho. Singit ng singit at walang ingat kung makasagasa man
sila. Kunsabagay sanay na rin siya sa mga nagmamalabis na driver dito. Kaya nga nagpundar siya ng bisikleta ay sa dahilang
ilang ulit na siyang pinapagbabayad ng mga sakim na driver ng mahal, higit sa itinakdang pasahe ng pamahalaan.
Saksi ang
kanyang bisikleta sa mga makabagbag-damdaming pangyayari at tanawin dito sa
Baliuag. Nariyan ang lubak-lubak na kalsada, ang itim na daloy ng patubig sa
dami ng basurang itinatapon dito ng mga naninirahan sa tabi nito. Dahilan upang minsan, isang matanda ang
nalunod at namatay sa dami ng burak na kanyang nalulon. At ilang ulit na rin niyang
naranasan ang pagbaha dito dulot lamang ng kaunting pag-ulan.
Ang
daang patungong plasa na may konkretong poste ng ilaw na may inisyal ng
namumuno sa pamahalaan, ang Glorietta
at ang plasa mismo na sa tuwing magpapalit ng pamunuan ay nagbabago rin ng
anyo. Ang lugar ding ito ang tahanan ng mga namamalimos na mga bata at taong
grasa na itinambak ng ibang bayan, ang palengke na tampulan ng away ng arranger at ng nagtitinda, ng namimili
at nagtitinda, at ng kapwa mga tindera, ang simbahang pinatatag ng panahon, na
hinihimok ang mga tao sa pagbabalik-loob sa Diyos at damhin ang pangangailangan
ng kapwa, na sa dami ng nagsisimba lalo na kung Linggo, marahil ay may maganda
na tayong bayan kung isinasabuhay lamang ang kanilang natutunan sa loob ng
simbahan.
Ano
man ang mga nangyayari tuloy pa rin ang takbo ng buhay ni Lito. Umulan, umaraw
ano man ang panahon, nariyan pa rin siya, mapanuri sa kanyang hanapbuhay ngunit
hindi sa kanyang paligid. Basta ang mahalaga, ginagawa niya ang kanyang
tungkulin sa abot ng kanyang makakaya.
Basta wala siyang nasasagasaang karapatan ng kanyang kapwa.
Si
Lito, guwardiya, mapanuri sa kanyang
hanap-buhay, mapag-matyag, tanod, bantay. Si LITO, binata, nag-iisa, naghahanap
pa rin ng babantayan, ng panghabang-buhay!
THE LORD'S CHURCH
This is what He says in all His
letters when He writes on the subject.
There are some difficult things in His letters which ignorant and
unstable people explain falsely as they do with other passages of the
Scriptures. So they bring on their own
destruction. (2Peter 3:16)
There are people who formed their
own church basing their own theories of salvation. The Holy Bible is one of the ways to know God
more and His promised of salvation to mankind.
Some people devoted their lives reading and interpret with their own
with everything written in the Bible.
These made them form their own church.
That's why today, there are about 400 sects formed. There are so many churches because there are
so much different interpretation of the Bible; there are so much interpretation
of the Bible because there are so many wrong interpretation of the Bible; and
there are so much wrong interpretation of the Bible because the system of
interpreting it is radically wrong. Besides, many sects rely only on the Bible;
not knowing the Bible itself reveals it is not complete. In his disciples'
presence Jesus performed other miracles, which are not written down in this
book. (Juan 20:30): Now, there are many other things that Jesus did. If they were all written down one by one, I
suppose that the whole world could not hold the books that would be written.
(John 21:25)
Few people believe that whatever
religion or sect one belonged, it's the same.
I would rather say NO. God shall baptize you through His church. If you
will disregard religion or church, why did Christ descend from heaven? And what's the use of Christ's formation of
His church through Peter? Was it true that there are many religions present before
Christ that made Him formed His? And if you said all sects are the same, why do
they differ with their doctrines? If you
will obey all these sects, you would even lost your way and even your mind. There
is one Lord, one Faith, one Baptism (Ephesians 4:5)
So we must know that God formed
only one religion, and what's that religion? It's the religion that God only
and not any other people have founded.
He was the founder so all of the teachings should be from Him.
So are there ways to be
saved? Yes there are ways. How? By Jesus teachings through His church. He also
was the founder.
To whom He left His
church? To His apostle, Peter. And so I tell you Peter: you are a rock, and
on this rock foundation I will build my church, and not even death will ever be
able to overcome it. I will give you the
keys of the Kingdom of heaven: what you prohibited on earth will be prohibited
in heaven and what you permit on
earth will be permitted in heaven. (Matthew 16:l8). . Go then, to all peoples
everywhere and make them my disciples: baptize then in the name of the Father,
the Son, and the Holy Spirit, and teach them to obey everything I have
commanded you. And I will be with you always, to the end of the age. (Mt 28-19)
So the above-mentioned
are the disciples because Jesus transferred them His power.
How was this
transferred? By laying their hands (1Tim 4)
The Church is the new
People of God, composed of all baptized persons united in the same faith, the
same sacrifice and the same sacrament.
The Lord's
Church of
course is founded by the Lord Jesus Christ himself on Pentecost to bring all
men to eternal salvation by the help of the Holy Spirit as the source of
Church's life. The Lord's Church existed long before any of the New Testament
books were written. So then, faith comes from hearing the message, and the
message comes through preaching Christ. (Ro 10-17)
The Lord's Church has marks or
clear signs by which all men can recognize this church as the true church.
The chief marks of the church are:
1. Lord's church is ONE-because
all the members according to the will of
Christ, profess the same faith,
same sacrifice and same sacraments.
2. Lord's church is HOLY-because
its founder is holy, Jesus Christ.
2. Lord's church is CATHOLIC or
UNIVERSAL-because destined to last forever
She never fails to fulfill the
divine commandment to teach all nations all the truths revealed by God.
3. Lord's church is APOSTOLIC-because
it was founded by Christ on the Apostles
and in accordance with His divine will has always be governed by their lawful
successors.
There are also attributes of True
Church and they are:
1. By the
authority of the true church-is meant that the Pope and the Bishops, as
lawful successors of the Apostles have power from Christ himself, as head of
the church, to teach, to sanctify and to govern the faithful in spiritual
matters.
2. By the
infallibility of the Lord's Church-means by the special assistance of the
Holy Spirit, cannot err when she teaches or believes a doctrine of faith and
morals.
4. Indefectibility of the Lord's church-means that
the church as an institution founded by Christ will last forever.
Consider these facts:
Martin Luther founded the Lutherans
in 15l7.
If you belong to Church of England,
King Henry VIII founded your religion in the year 1534 because the POPE would
not grant him a divorce with the right to remarry.
If you are a Presbyterian,
John Knox in Scotland founded your
religion in the year 1560.
If you are a Baptist-
John Smith launched it in Amsterdam in 1606.
If
you are a Methodist-your religion was launched by John and Charles Wesley in
England in 1744.
If you are a Mormon
(Church of Latter Day Saints)- Joseph Smith started your religion in Palmary,
NY in 1829.
If you are a member of "Iglesia
ni Cristo"-your religion started in 1914 at Punta Sta. Ana Manila
with Felix Manalo Ysagun as your founder.
Jehovah's Witness started in 1931 from Russellites
formed by Charles Taze Russell.
If you belong to the ROMAN
CATHOLIC CHURCH, your church dated back to 33 AD with no other than
JESUS CHRIST as your founder, THE CHURCH JESUS
HAS PROMISED TO BE WITH, UNTIL THE END OF THE WORLD! (Matthew 28-19)
ISANG DIPANG PAG-IBIG
Mayroon pa kayang lalo pang hihigit,
Sa alay ng Diyos sa Kanyang pag-ibig,
Dahil sa ginawang pagpapakasakit.
Handog ay biyayang galing din sa langit.
Inalok sa atin ay ang kaligtasan,
Kumatok sa puso ng bawat nilalang,
Pagtugon ay nais sa bibig ay tunghan,
At ang paanyaya’y hindi natugunan.
Tao ay nalugmok sa kapariwaraan,
Tinawid ang landas ng makasalanan,
Sa pagtawag ng Diyos, nagpaking-pakingan,
Kaluluwa’y lunod sa nais ng laman.
Kahit na ang tao’y natural na taksil,
Gayon man ay hindi sa atin nagtigil,
Ang Diyos na nag-alis ng lambong at sagwil,
Pinahid ang lahat ng dusa’t hilahil.
Ngunit gayon pa man pag Diyos ang nagmahal,
Sarili N’yang anak sa ‘ti’y inialay,
Iniunat sa krus ang dalawang kamay,
Tinubos ang sala nitong sanlibutan.
Ano ang habilin sa mga alagad?
Ano ang tugon mo sa Kaniyang tawag?
Di ba’t pagmamahal sa kapwa’y igawad,
At ang paglilingkod sa Kanya ng tapat!
LIHAM
Halos ay lumipad sa pagkakatindig
Nang ang manggagamot sa kanya’y lumapit.
Sakbibi ng lungkot panaghoy na impit,
Sa buhay ng anak na hindi nasulit.
Kanser ang naglugmok sa murang katawan,
Na siyang kumitil sa hiningang hiram,
Panlulumong labis ng isang magulang,
Nadama sa bunsong pinakamamahal.
At ang siruhano’y kagyat na nagwika,
Damahin mo ina bunsong namayapa,
Sa ilang sandali’y bayaang lumuha,
Kung sa iyong dibdib ikapapayapa.
Hinagod ng ina ang anak na mahal,
Pabaon ay ngiti sa kanyang paglisan,
Ang unibersidad ang kahahantungan,
Upang ang katawan ay mapag-aralan.
Kinuyom sa palad ang hibla ng buhok,
Tanging ala-ala ng paghihimutok,
Wala mang magawa, luha ay umagos,
Ang hiling ng anak ay kanyang sinunod.
Labag man sa loob na hindi malibing,
Ay pinaunlakan ang anak sa hiling,
Ang katawang lupa’y maa’ring suriin,
Kung sa ibang sakit ay ikagagaling.
Kay bilis lumipas ang anim na buwan,
Ngayon nga ang anak sa mundo’y lumisan,
Gintong ala-alang kanyang iniwanan,
Natatak sa puso at sa pagamutan.
Mahinhin ang lakad, masinsin ang hakbang,
Ang ina’y umuwi sa kanyang tahanan,
Ang silid ng anak marahang binuksan,
Dinama ang lungkot ng katahimikan.
May ilang buwan ding hindi nahawakan,
Ang damit sapatos at mga laruan,
Sa pagkakaayos walang kamalayan,
‘Di na matitinag, magpakailanman.
Sa paghihinagpis ano ba’t naluhod,
Sa gitna ng kama’y agad napasubsob,
Luha ay bumukal at sa gayong ayos,
Sa unan ng anak kagyat nakatulog.
Naupo natitig sa isang kawalan,
Mayroong nakapa sa kamang higaan,
Liham nitong bunso agad tinunghayan.
Huwag mag-alala sa
kinalalagyan,
Ang lahat ng tao’y ito ang hantungan,
Huwag akalaing ‘di ka minamahal,
Pangako ay lagi kitang babantayan.
Sa lugar ko ngayon ay napakasaya
Lalo’t kapiling ko ang lolo at lola,
Malayo sa hapis at pangungulila
Malapit sa puso at sa ala-ala.
Nakita ko ang Diyos ng harap-harapan,
Sandaling nadama ang kanyang kandungan,
Ang pluma niya’t papel sa ‘ki’y pinahiram.
Hawak mo na ngayon ang nagawang liham.
Si Anghel Gabriel ang naging dahilan,
Upang ang sulat ko’y mapasa yong-kamay,
Habang lumilipad sa ‘ki’y kumakaway,
Sa saliw ng tinig na nag-aawitan.
Nariyan ang sagot sa ‘yong katanungan,
Nang kailangan ko Siya, tanong mo’y nasaan,
Nong nasa bingit nitong kamatayan,
Katabi ko daw Siya sa aking higaan.
Noong nakapako sa malaking kurus,
Noong naghihirap, Panginoong Hesus,
Hindi iniwanan ng ating Amang Diyos,
Hirap ang pambayad sa salang tinubos,
Ako maging ikaw kahit na sino man,
Ang lahat ng tao’y kanyang minamahal,
Sa ‘ting paghihirap at kaligayahan,
Asahang ang Diyos ay nakaalalay.
Narito sa langit ang
ligaya’t aliw,
Ang pagmamahalang hindi magmamaliw
Wala na ang sakit, wala nang hilahil,
Sa kaligayaha’y walang sumasagwil.
Darating ang araw aking inang mahal,
Magkikita tayo sa kawalang-hanggan,
Sa kanyang salita ng pamamaalam,
Nagising ang ina sa katotohanan!
THREE CINQUAINS
THE BUTTERFLY
THE BUTTERFLY
FREELY FLYING WITH
THE WIND
HIS KISS: LONGED BY
EVERY FLOWER
CAPTURED BY CARELESS
HUMAN HANDS
HE DIED!
THE YOUTH
HOPE OF OUR
FATHERLAND
FILL THEIR MINDS WITH
KNOWLEDGE
LIVING WITH THEIR
IDEALISTIC DREAMS
THEY’RE GONE
THE CHAIR
THE CHAIR
THE SEAT OF POWER
IDENTITY OF A FREE
COUNTRY
THE SPRING OF A
ROBUST ECONOMY
NOT NOW!
ARAW, ULAP, HANGIN, TUBIG
Kay ningning mo
araw sa iyong pagsikat,
Buong katauhan ay
nagliliwanag,
Haring nakatunghay
sa kilos ng lahat,
Ang kapangyarihan
ay walang kasukat.
Sige pa o araw
init mo’y dadamhin,
Tanglawan ang
bawat hakbang ko’t gawain,
Ngunit ma’ari bang
ningas palamlamin,
Sapagkat tuyo na
maging ang damdamin.
Ano ang dahilan at
ngayo’y nagngalit
Ibinuhos lahat ang
taglay mong init,
Ang pakiramdam ko
ang lupa at langit,
Sa nararanasan ay
waring naglapit.
At sa pagkalugmok
paningi’y nagdilim,
Natakpan ang araw
nitong panginorin,
Nadama’y ligaya na
walang kahambing,
Ang paghihirap
ko’y nagwakas, nagmaliw.
Ulap ang katapat
nitong haring araw,
Upang pagbaguhin
ang kanyang pananaw,
Sa sikat mong
labis at nakakasilaw,
Nanaisin ko bang
madama ay ikaw?
Sa pagdidiliryo’y
aking naramdaman,
Ang labis na tuwa
at kaligayahan,
Ang init ng diwa
ngayo’y nahalinhan,
Ng lamig na dulot
ng tubig ng ulan.
Lumabis ang tubig
at nagsilbing baha,
Nalunod ang puso
nawalan ng diwa,
Hangin ang ginagap
ng katawang pata,
Lumaya ka unos
tigib na ang luha.
Hanging inaasam
ngayo’y maghari ka,
Tangayin ang lamig
dalhin mo sa iba,
Bawasan ang aking
ngayo’y pagdurusa,
Hindi makakilos
kalamna’y manhid na.
Kay daming ninais
kay daming hiniling,
Araw, ulap, ulan
at maging ang hangin,
Hindi kailangang
sila’y madaliin,
Sa takdang panahon
ay kusang darating.
Lahat ng nais ko
ay ‘di pinagkait,
Ngunit ang
hiniling sa akin ay labis,
Sapat lang ang
dapat na ating makamit,
Sapagkat sa buhay
ang sobra’y mapait!
BENIGNO S. AQUINO, JR.
Lupang
Sinilangan nitong aking lahi,
Kulimlim
na araw kailan mapapawi,
Ulap
na kumanlong kailan mahahawi.
Ewan
ko subalit yaring abang buhay,
Ang
hiblang hininga’y aking inialay,
Sa
ikapupuri at ikariringal,
Sa
ikalalaya nitong bayang mahal.
Nakamasid
ako sa sikat ng araw,
Sa
ningning ay salat, malungkot, mapanglaw,
Puno
ng hinagpis at ng pagdaramdam,
Ang
hiyas na sinag kaylan matatanaw.
Ipiniit
akong bibig ay may busal,
Kinuyom
ang aking damdami’t pananaw,
Hindi
natatalos ang gabi at araw,
Ninais
na ako sa mundo’y pumanaw.
Ganito
ang laging aking nadarama,
Sa
bawat sandali nitong pag-iisa,
Ang
buhay ko nga ba ay walang halaga,
Ano’t
di pa kit’lin itong pagdurusa.
Ngunit
sa puso ko ang nagpapalakas,
Ang
kababayan kong hindi makaalpas,
Sa
kinatayunang lupaing malawak,
Hindi
makagalaw, hindi makalipad.
Oo
nga’t maluwang ang lupang tahanan,
Hindi
makahakbang sa patutunguhan,
Sapagkat
ang lupang kinatatayuan,
Ay
‘di masarili mayr’ong sumasaklaw.
Sundan
mo ang landas ng ‘yong panaginip,
Tuwirin
ang lisya’t pananaw na lihis,
Gising
na, gising na at baka mangawit,
Ang
pagkabangungot baka mo masapit.
Ano
pa bang oras ang ‘yong hinihintay,
Ang
nasimulan ko’y pagsikapang sundan,
Kumilos
gumawa ng mga paraan,
Ang
kalayaan mo’y ipakipaglaban.
Que sera? Ano man ang kahihinatnan,
Ang
nasa isip mo ay bigyan ng daan,
Ang
buhay na sa ‘tin ay ipinahiram,
Gamiting maigi, guguling may saysay.
Upang
matupad mo ang mga hangarin,
Ang
landas mo nawa ay iyong tuwirin.
Pagdamay
sa kapwa ay iyong isipin.
Ang
bawat galaw mo ay ipanalangin.
Ika’y
may dignidad ikaw ay may isip,
At
may karunungang di malirip-lirip,
Kung
may kapwang sa ‘yo’y nais na lumupig,
Ipagtanggol
ito, buhay may kapalit.
Nakahahalina
ang bayang Malaya,
Ito’y
tanging alay ng ating Lumikha,
Ngunit
may balakid at may sasansala,
Pakasikapin
mong ito ay mawala.
Oras
nang gumising sa pagkakatulog,
Damahin
ang kapwang malaon ng pagod,
Kalagan
ang taling kay tagal naigot,
Bayaang
lumaya ang bayan mong irog.
Juventud mi amor! Mga kabataan,
Ikaw
ang pag-asa nitong ating bayan,
Hindi
sa bukas mo hindi sa kung kailan,
Ngayon
ka kumilos ngayon ka kailangan.
Regalong
buhay mong hatid mo aking Diyos.
Hindi
man nagugol ng ganap at lubos,
Munting
pagsisikap nawa’y maging handog,
Sa
iyo ay alay kung ikalulugod!
BATINGAW NG SAN RAFAEL
AY
MATATAGPUAN ANG LUPANG PAYAPANG AKING SINILANGAN,
LUNDUYAN
NG GITING, MASIKAP, MATUWID, AT NG MATATAPANG,
LUPANG INIUGIT NG PATAK NG DUGO SA 'TING KASAYSAYAN.
ANG LUNTIANG BUNDOK ANG LAMIG NG HANGIN, ANG BAGONG UMAGA,
BULAKLAK SA PARANG, PALAYAN SA BUKID, AWIT NITONG MAYA,
ANG LUNTIANG BUNDOK ANG LAMIG NG HANGIN, ANG BAGONG UMAGA,
BULAKLAK SA PARANG, PALAYAN SA BUKID, AWIT NITONG MAYA,
ANG
KATIWASAYAN NG PUSO AT ISIP DITO'Y NADARAMA,
TAAS-NOO
KAMING LAGING NAKATUNGHAY SA BAGONG PAG-ASA.
PAGPUSAG
NG ISDA SA PAYAPANG TUBIG MAY ANGKING ALINDOG,
ANG
LIHIM NG KWEBA ANG MARMOL NA PUTING LAGING NAKATANOD,
MAGPAPAALALA
NG NAGDAANG SIGWA AT PANGGIGIPUSPOS.
KAPALIT
NG DUSA, LAYA AY NAKAMTAN NG MGA NAGPAGAL,
LUPANG
ITINANGI, LUPANG SA ATING D'YOS IPINAGDARASAL,
ANG
KATIWASAYAN NAWA'Y MAMALAGI SA BAYAN KONG MAHAL.
DATING
NAKALUGMOK SA PAKIKILABAN NGAYO'Y NAKATINDIG,
ANG
PASASALAMAT SA MGA NINUNO'Y WALANG KASING-HIGIT,
KAHIT
NA NAGHIRAP ALANG-ALANG SA 'YO BUHAY AY 'BINUWIS.
KASUNOD
AY PUTOK AT MGA HINAING WALANG KAHULILIP,
SA
MGA TAHANAN NG MAHAL SA BUHAY PUNO NG HINAGPIS,
WALANG
MAGAGAWA KUNDI ANG ILUHA ANG PUYOS NA DIBDIB.
'PAGKAT
ANG KABILA NG DILIM NG GABI AY BUKANG-LIWAYWAY,
PINAKIPAGLABAN
NG KANILANG SUPLING ANG AMANG NANGALAY,
UPANG
MAGHIGANTI SA APING SINAPIT, LAYA AY NAKAMTAN.
NA
PAMBAYAD UTANG SA MGA HILAHIL MGA PAGHIHIRAP,
ANG
IMPIT NA HIYAW AY ISANG BATINGAW ANG KAHALINTULAD,
NA
NAIS GISINGIN ANG MGA DAMDAMING SA LAYAW AY PUYAT.
BAYANG
SAN RAFAEL, TUGUNIN MO SANA ANG MGA DALANGIN,
GABAYAN
ANG BAWAT PUSONG MAY PAG-ASA SA MGA MITHIIN,
IPAGBUBUNYI
KA PASASALAMATAN MAGPAHANGGANG LIBING.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)