Isang
matahimik at gabing malamlam,
Natakpan ng
ulap ang sikat ng buwan,
Nadama ang
lungkot at ang kapanglawan,
Habang
binabaybay ang ibabaw ng dam.
Sinadyang
maglakad sinundan ang agos,
Matamang
humimpil sa katabing ilog,
Dinama ang
lamig na kanyang dinulot,
Sa lupa’y
‘dinikit ang katawang pagod.
At sa
pagkahiga’y natingin sa langit,
Buwan at
bitui’y bahagyang nasilip,
Liwanag at
kislap ligaya ang hatid,
Ayaw nang
kumurap, ayaw na maidlip.
Sa pagkakahiga
ay mayr’ong narinig
Na isang
malamyos at mahinang tinig,
Ang kamay sa tainga’y agad idinatig,
Upang mawari
ko mahiwagang tinig.
Tumindig,
ginagap kung saan nanggaling,
Ang
nakalulungkot na isang awitin,
Pulos
pagdaramdam puso’y may hinaing,
Hirap ang
isipan laman ay panimdim.
“Damahin mo
sana ang aking paghibik,
Pakinggan mo
nawa ang paos na tinig,
Pakaingatan mo
kahit isang saglit
Ang pagmamahal
mo’y huwag ipagkait
Inalagaan ko ang munti mong
ilog,
Binayayaan ka ng libong
alindog,
Sumaksi sa kanya ang ilang
pag-irog,
Ano ang kapalit na
maihahandog?
Tinagpas mo tao na kunwa’y
di batid,
Malabay na punong sa ki’y
nakadatig,
Maging mga ugat ay iyong
pinatid,
Ang panghihinayang ay wala
sa isip.
Hinukay ang bato at mga
buhangin,
Na hindi tinantya ang lawak
o lalim,
Di makatampisaw ang iba sa
akin,
Pagkat natatakot sa hukay
malibing.
Kay tagal kinupkop itong mga
isda,
Bukas ang palad ko sa
pag-aalaga,
Sa linis ng tubig sila’y
inaruga,
Sa kagagawan mo namatay, nawala.
Lumawak lumalim nawalan ng
ganda,
Nawalan ng kulay nawalan ng
sigla,
Sa kinabukasan ano pang
ligaya
Sa mga anak mo’y maihahandog
pa.
Dinggin mo ang hibik at ang
panambitan,
Huwag akong hukayin bagkus
alagaan,
Nag-aalala kong pag ‘di
tinigilan,
Hukay ay siya mong magiging
libingan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento