Miyerkules, Pebrero 1, 2012

ikaw lamang wala nang iba



Paano nga ba matulog sa gabi,
kung larawan mo ang sadyang gumigising 
          sa aking balintataw.

Paano ako magsasaya sa umaga
kung puno ako ng pananabik kasunod ay pangamba
Paano tuturuan ang pusong ibaling sa iba 
        ang pagmamahal
 kung ang bawat pintig nito’y ikaw ang kahulugan.

        Sa una pa lamang na ikaw ay mamasdan,
      ano ba at tila magnet ang iyong kariktan 
         na hinigop ang buo kong katauhan.

            Ayaw ko nang mawalay ka sa aking paningin.
            Kulang ang araw ko kapag hindi kita nasisilayan.
             Wari bagang nais kong maging iyong anino
             upang kahit saan ka pumunta 
             ay lagi mo akong kasama.
            Bagay na hindi ko alam na dumating na pala 
             sa punto na sa wari mo ay pangungulit.

            Hangad ko lamang ang makita lagi
            eksaherado man na sabihing oras-oras 
             subalit iyon talaga ang aking nadarama.

            Sa pagdaraan ng mga araw
            lalo lamang sumisidhi ang aking nadarama
            wala na akong ibang iniisip
            wala nang iisipin pa
            basta ang nilalaman nito
            ang dinarama nito
            ang ibinubulong nito
            ikaw lamang, wala nang iba!
            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento