ANG ATING PAGSIBOL SA
MUNDONG IBABAW,
AY HINDI SUMULPOT NG GAYON
NA LAMANG,
ANG ATING HININGANG NGAYO’Y
TINATAGLAY,
BIYAYANG KALOOB NG ATING
MAYKAPAL.
ALABOK NA TAGLAY NG HANGING
BANAYAD,
NAGLAKBAY SA LUNDAY NG
DUYANG NAGLAYAG,
ANG PAGKAMALAYANG TULAD NG
ALAPAAP,
SUMIBOL, SUMIKLOT HANGGANG
MAGING GANAP.
HINUGOT SA TADYANG NG ISANG
PAG-IBIG,
BUNGA NG MALAYA’T PUSONG
PINAG-NIIG,
DIWA AT KATAWAN AY
PINAPAGTALIK,
HINUBOG NG TUWA AT PUYOS NG
DIBDIB.
BUHAY AY HININGA NG ATING
PAG-IRAL,
BIYAYA NG LANGIT MULA SA
MAYKAPAL,
HINDI MAN HINILING AY KUSANG
BUMUKAL,
SA NASANG DAIGDIG NAGKARO’N
NG LUGAR.
BABASAGING KRISTAL NA
INIINGATAN,
MAMAHALING HIYAS SUKOL MAN
SA KINANG,
HALAGA NG BUHAY ‘DI
MATATAWARAN,
LUBHA AT MAS HIGIT SA LAHAT
NG BAGAY.
HUWAG MONG NAISIN ANG
KAPANGYARIHAN,
ANG PANANDALIANG LIBONG
KAYAMANAN,
SA DULO NG BUHAY NA IYONG
HINIRAM,
WALANG MADADALA NI LUPANG
KATAWAN!