Martes, Abril 24, 2012

"ANGELS DAY OUT, ONE DREAM OF ONE ANGEL" with the Bulacan Shutters Club.



  One of the administrators of Bulacan Shutters Club, Aldwin called me up and ask, “Would you like to make a difference?”

        

         Either Carlo or Perry made me a member of the group. Knowing that they too would be there with other fellow I then already recognized.  Whatever the purpose be, whatever it takes, I did say, yes I wouldlike to make my day a different one.



        

  
Unmindful of who am going to be with, unmindful of the camera brand I use (we are 45 present, 44 use Canon or Nikon camera, I was the only one using Sony Cybershot) lonesome as my gadget was, submerged through this valley of shooters.
          Through the effort of SM City Baliuag, Akapin Partylist for the Disabled, Canon Camera Phils., and other  major sponsors, the Bulacan Shutters Club joined hands with their project-“Angels Day Out, One Dream of an Angel”
           


     For the Bulacan Shutters Club, this was a project, a dream come true, for us with the Advocacy in making “Photography a Difference (the BSC way.)”
     As early as six o’clock in the morning, all were set for the event, instructions from the SM management, guidelines from Sir Aldwin, then I fully recognized what this project meant. Persons/Children with disability in Bulacan, were gathered and given a chance to move out from their daily-four-corners-classroom at least for a day.



 
      Each member of BSC was given each, a child to be adopted, cared for, took memorable moments with their guardians, with their teachers, with fellow photographers, and how would they go along with the environment, with the world we live in. (Person with Disability-autistics they say, live in their own world.)
          

   Clarence was the one assigned for me to go along that day.
           

All was set and we bound for Manila for our day’s trip.

         
         Once alighted and formed in rows, children were seemed to be excited. Happier they could be seen, uncontrollable emotions, living in their own world, one could ask, “What’s life at stake with these children?”
       Clarence happened to be the child I was assigned to be with for one-what-to-be-expected-day.
With only a slight vision that he had, I wondered how could I explain things, the color, the beauty, the environment.
         



      On, we went through the depths of our first stop, the Manila Zoo. A challenge for me on how to explain things to a child with slight vision.
          The big elephant, the crocodiles, the snakes, the monkeys, and other residents of the zoo. All of them I tried to explain to Clarence the state they were having that day. As the other children were having fun with their photographers-friend, Rovie and Mayor as we fondly called them, Clarence was way different. He seldom talk, he seldom shared his emotions.


          I tried him to be happy, I tried him to see happy family paddling on a small boat, helped him pointed his hands with the joys I had seen, but he, pointing at different direction.
          He hardly knew his father that left his family before he was born. His ailing mother could not be with him, so his grandfather, tata Nanding was his companion that day!  Then I stopped and thought that maybe that seemed to be reflected in Clarence way of dealing with the realities life had given to him.


          We lived one day with the lights of Manila Zoo and of the Shadows of Planetarium, the Virtual Reef, and other virtual games at the Discovery Center of Malls of Asia.
          The children walked and played in broad daylight in Manila Zoo, they too played excitedly on the dim, the Discovery Center of Mall of Asia. They seldom knew the real meaning of lights and shadows, actually they have no difference at all with their world.  They live on their own, unmindful of the things around them, they were different, for us to understand and ponder.
         

        The day ended with such a relief. What a day filled with laughter, sharings with fellow photographer, and truly cherished the real meaning of life!



          

Lunes, Abril 2, 2012

PANAKOT-IBON!



                Ang kabalintunaan ng buhay ay hindi niya maikakaila. Maging ang katotohanan ay hindi niya matatakasan. Subalit ang katotohanang iyan ang sumasapat sa kaligayahang kanyang nararamdaman. Nakasanayan na niya ang mga pagkabigla, panaghoy ng pagkatakot ng mga bata, at mga nakakasukang panlilibak na ipinupukol sa kanya ng mga matatanda.  Higit na kaligayahan ang nadarama niya kung mas masidhi pa sa pagkagulantang ang damdaming kanyang nasasaksihan. Iyan nga ang kanyang naturalesa, ang siya ay katakutan at layuan.
                Maliban sa kaligayahan, manhid na ang kanyang katawan at wala na rin siyang pakialam sa pakiramdam ng kapwa.  Ang bawat pukol na kanyang nadarama ay halakhak ang katumbas. Halakhak na kung may layang isakatuparan, ang makaririnig lamang ng alingawngaw ay mga butil ng palay, mga damo sa pilapil, mga halaman sa paligid, mga punong may luntiang dahon sa tarundon at ang payapang asul na kalangitan. Wala siyang paraan upang matunton ang katotohanan sa kanyang mga panaginip, at hindi na rin niya kailangang managinip sapagkat nagdudumilat na ang katotohanan.
                Paano nga ba niya natatagalan ang pag-iisa at ang lamig ng gabi? Gaano nga ba ang pagtitiis niya sa panlabas na saplot sa kanyang maliit na braso ngunit namumusargang katawan? Paano niya natatanggap ang nakaririmarim niyang katauhan?
                Ang lilim ng kanyang kaluluwa ay pinagtagni-tagning dahon ng niyog na tinusok ng tinting na hinibla ng kinakalawang na kampit mula din sa ubod nito. Ang init ng araw na tumatagos sa kaibuturan ng kanyang katawan ang ilaw na tumatanglaw sa kalakhan ng mundong kanyang ginagalawan.  Saksi siya sa pagsikat at paglubog ng haring araw. Ang pagsikat nito ang hudyat ng mga tao sa kabayanan upang manaka-naka ay tumuntong sa kabukiran upang anihin ang bunga ng kanilang pagpapagal. Saksi rin siya sa makasariling hangarin ng mga tao sa panahon ng anihan na may kanya-kanyang paraan upang mas higit ang madagdag sa kanyang kaban. Bawa’t isa’y nagnanais na malamangan ang iba. Maihahambing sila sa mga talangka na nasa isang lalagyan na nag-uunahan sa ibabaw, ano ba at wala silang pakialam kung mayroon mang masaktan. Katulad din ang mga tao sa mga dagang nagpupulasan mula sa bangkang unti-unting lumulubog, nag-uunahan ding lumutang kahit ang iba ay lumubog.
                Hindi rin lingid sa kanya ang mga tunog ng lagpas-balikat na hagupit ng tao gamit ang malaking lubid na tumitimo maging sa makapal na balat ng kalabaw. Halos ay mapaluhod ito dahil sa bigat ng kabang palay na nakasalansan sa maliit na karetang kumakayod ang tali sa kanyang tagiliran. Idagdag pa ang mapagkit na lupang daanan na binasa ng tatlong araw na sunud-sunod na pag-ulan
                Natapos ang anihan. Bunton ng dayami ang naiwan sa malawak na bukirin. Nakatayo pa rin siya na nakamasid. Wala na ang ingay. Tanging ang isang  huni ng uwak ang sa kanya’y nakabantay.
“Aba! Bihira ang sa akin ay dumadapong ibon. Ako nga ang dahilan ng paglayo ng mga ibon upang hindi tukain ang palay upang malayang sumibol.” Patunay ang isang masaganang ani.
 Oo nga, isang uwak ang lumanding sa kanyang kaliwang kamay. Hindi man siya makita sa kanyang tagiliran dama niya ang ligaya ng minsan sa kanya ay may pumansin.
 Patagilid na dumukwang ang uwak sa kanyang kaliwang mata at tinuka ito.  Nadama niya ang sakit ng dumudugong mata.  Dumaloy hanggang pisngi at bibig. Maligayang minasdan ang masaganang pagdaloy ng dugo at siniyasat ang katayuan niyang inaangkin. Nakaambang tutuka pa sa ikalawang pagkakataon ang uwak subalit nakarinig siya ng tinig, tumungo ang ulo sa langit, lumipad at iniwanan siya sa kalunus-lunos na kalagayan. Ang kaniyang manhid na katawan ay nahalinhan ng walang kahulilip na sakit. Sakit na kanyang inihiyaw ngunit walang nakaririnig bagkus tumagos sa panginginig ng kanyang buong katawan. Sa ganitong ayos nakadama siya ng isang ibon na dumapo sa kanyang kanang balikat. Hindi man niya lubusang nakikita ito subalit banaag niya ang busilak na kulay ng isang kalapati. Nakadama siya ng nakaambang pagdamay subalit laking gulat niya ng sakmalin ng tuka ng ibon ang kaniyang kanang mata. Mas masakit kaysa  sa kaliwa. Sakit na ngayon ay tumagos na sa kanyang kaluluwa at kamalayan. Isang impit na sigaw sa mga paghampas ng pakpak ng ibon sa kanyang mukhang duguan. Ginutay ng kanyang mga kuko ang kanyang mukha at leeg. Dumaloy ang masaganang dugo, hanggang mapalugmok ang kanyang ulo na nakatuon sa lupa na halos ay kumalas sa kanyang nakadipang mga kamay. Sa gayong kalagayan, lumipad ang kalapating hindi namalayan ang kanyang paghihirap hangang sa maputol ang kaluli-hulihang hibla ng kanyang hininga
Kay ganda ng sikat ng araw. Kay bughaw pa rin ng langit. Malabay pa rin ang mga luntiang dahong nakaduyan sa sangang sumasayaw sa hihip ng hangin. Normal pa ring umiikot ang mundo. Walang nakapansin sa  paglisan...ng isang nilalang!

Miyerkules, Marso 7, 2012

DINALAW AKO NG ATING MAHAL NA INA!


                       
Karga ang mabibigat na pasanin sa dibdib, sanhi ng mga alalahanin, tila baga isang daga na walang masulingan, nasumpungan ko ang aking sarili sa  bundok na inialay  sa Mahal na Ina ng Piat (Pagdalaw).
            Malaki sa di karaniwan ang tiyan ng aking biyenan. Matagal ko nang sinasabi na magpatingin sa doktor subalit walang lakas ng loob.  At umabot sa panahon na ilang buwan lamang, nadoble ang kanyang laki, hindi na makatayo sa bigat na daladala, at inihanap ng sana ay mura subalit may kalidad na ospital sa ganitong karamdaman. At ihihanda ang operasyon. Sa dami ng komplikasyon, ang unang usapan ay nadagdagan ng halos triple,  kung saan halos lahat ng gastos ay inutang sa mga mababait na kamag-anak at kaibigan. Mas higit ang naging kalungkutang nadama ng pamilya sapagkat ang operasyon ay naganap nang pasko at bagong taon.
            Nakatawid sa isang komplikadong operasyon ang aking biyenan, bagamat may indikasyon ng kanser, at paulit ulit na dinadala sa doktor upang kuhanan ng tubig sa baga at sa tiyan, hindi kami nagsasawa ng aking kabiyak sa pag-aalaga sa kaniya sapagkat ayon kay Rev. Fr. Egay, habang nananalangin ng kagalingan,  hindi lang ang maysakit ang malapit sa Diyos kundi ang matiyagang nag-aalaga din. Umaasa at nananalig kaming kasama namin ang Mahal na Ina ng Pagdalaw sa pananalangin sa Diyos sa kanyang kagalingan.
           
Kaalinsabay ng Pananalangin ng paggaling sa aking biyenan,  ang aking anak na si Jose, isang nars ay matagal na ring  nais magkaroon ng hanapbuhay. Lubha nga na nakalulungkot sapagkat sa kabila ng aming kahirapan, iniraos namin ang pagbibigay ng salapi sa isang “recruiter” na umasang makapupunta sa Macau upang makatulong sa pagpapagamot sa kanyang lola.
           
Ang pangakong isang lingo lamang at makatutuntong na sa Macau ang aking anak ay naglaho kasabay ng paglalaho ng recruiter tangay ang perang aming ibinigay. Maging ang kaibigan naming nag amuki sa mga bagay na ito ay nawala na rin.       
Ikawalo ng Disyembre, marubdob ang aking panalangin sa Mahal na Birhen ng Piat na harinawa ay bigyan ako ng indikasyon sa kapalaran ng biyenan ko maging sa aking panganay na anak. Ang panalangin ng kahilingan ay wala sa loob ko na ipinakiabot kay Ate Nene na noon ay hindi ko pa siya kakilala. Sa loob ng misa ng panalangin, naganap ang isang “raffle” at sa kabutihang palad, nakatanggap ang aking anak ng isang bote ng langis. May higit sa libo ang naroroon, at magandang indikasyon kako ito para sa kapalaran ng aking anak.
           
Pakaraan ng dalawang araw, nakatanggap ng kalatas ang aking anak na nagsasabing magsadya sa ahensiyang pinag-aplayan niya halos isang taon na ang nakararaan. At noong ika-14 ng Disyembre, inihatid namin siya sa “airport” patungong Saudi Arabia.
            Ang isang matagumpay sa isang komplikadong operasyon ng aking biyenan na si Corazon, at ang paghahanapbuhay sa Saudi ng aking panganay na anak, ilan lamang ito sa mga panalangin sa Diyos na nagkaroon ng katuparan, kasama ang Mahal na Ina ng Piat.
           

Dumalaw ako sa Mahal na Ina ng Piat sa bayan ng DRT, subalit mas higit na dinalaw  ng Mahal na Ina ang aking buhay, ang aking Pamilya at patuloy na sinasamahan ako sa aking mga panalangin sa Diyos.----- olebasisotnas@yahoo.com

             
           
           
           
            

Martes, Pebrero 14, 2012

...HININGA NG BUHAY!


ANG ATING PAGSIBOL SA MUNDONG IBABAW,
AY HINDI SUMULPOT NG GAYON NA LAMANG,
ANG ATING HININGANG NGAYO’Y TINATAGLAY,
BIYAYANG KALOOB NG ATING MAYKAPAL.

ALABOK NA TAGLAY NG HANGING BANAYAD,
NAGLAKBAY SA LUNDAY NG DUYANG NAGLAYAG,
ANG PAGKAMALAYANG TULAD NG ALAPAAP,
SUMIBOL, SUMIKLOT HANGGANG MAGING GANAP.

HINUGOT SA TADYANG NG ISANG PAG-IBIG,
BUNGA NG MALAYA’T PUSONG PINAG-NIIG,
DIWA AT KATAWAN AY PINAPAGTALIK,
HINUBOG NG TUWA AT PUYOS NG DIBDIB.

BUHAY AY HININGA NG ATING PAG-IRAL,
BIYAYA NG LANGIT MULA SA MAYKAPAL,
HINDI MAN HINILING AY KUSANG BUMUKAL,
SA NASANG DAIGDIG NAGKARO’N NG LUGAR.

BABASAGING KRISTAL NA INIINGATAN,
MAMAHALING HIYAS SUKOL MAN SA KINANG,
HALAGA NG BUHAY ‘DI MATATAWARAN,
LUBHA AT MAS HIGIT SA LAHAT NG BAGAY.

HUWAG MONG NAISIN ANG KAPANGYARIHAN,
ANG PANANDALIANG LIBONG KAYAMANAN,
SA DULO NG BUHAY NA IYONG HINIRAM,
WALANG MADADALA NI LUPANG KATAWAN!

...PANGINOON AKO!


Ako'y Panginoon kung inyong tawagin,
Ngunit ako nama'y ayaw ninyong sundin,
Ang pita ng laman ang inyong hangarin,
Ang mga utos ko'y ayaw ninyong tupdin.

Sinasabi ninyong ako ang liwanag,
Ngunit ako'y hindi ninyo minamalas
Ang lambong na itim ang inaaninag
Ang tiwaling aral agad tinatanggap.

Hindi ba't marunong kung ako'y tawagin,
Ano't ang aral ko'y ayaw n'yong pansinin
Ang mga aral kong aking ibinilin
Sa mga apostol at kahalili rin.

Kung sabihin ninyo ako ay ang daan
Ngunit hindi ako ang nilalakaran
At ang mga taong aking binilinan
Winalang-halaga minaliit na lang.

Kaya't kung mayro'n mang matamis ang dila
Babalukto't sa 'yong pananampalataya
Sa kanilang pakli huwag maniwala
Wikang pabulaklak lahat ay 'di tama.

Ang tunay na ginto ilubog sa putik
Sa haba ng taon ibaon iligpit
At sa walang hanggang panahong mahigpit
Iyahon at ginto lilitaw ring pilit.

Ganyan kabusilak ang ating Simbahan
Sa mga pangaral ay totoo't tunay
Mula sa pagsibol ngayon at kailan man
Espiritu Santo'y palaging gagabay.

...SAAN KITA MAKIKITA!


Kristo, saan nga ba kita makikita? Hindi ba, sabi mo naroon ka sa lahat ng dako, subalit bakit ganoon lagi lamang kitang nadarama. Tinitingnan kita sa langit, subalit waring nag-aalimpuyong dibdib ang hangin, bagyong kay lakas, kulog at kidlat na tumataginting ang aking naririnig na tila wala nang katapusang ingay. Ngunit pagdating ng umaga, kapag nakikita ko ang araw na unti-unting sumisilay sa silangan, doon kita nadarama, naiisip ko na heto na naman ang bagong umaga, bagong pag-asa, bagong pakikipagsapalaran, bagong biyaya.

Hinahanap kita sa aking paligid. Wala akong kagandahang namamasid, putol na punung-kahoy, panot na bundok, pulang lupang nanlalagkit sapagkat laging tinitigatig ng tubig na hindi na makayang sipsipin ng bawat patay na punongkahoy. Tubig na nagpapadausdos hanggang sa ibaba upang magsilbing baha at kumitil ng buhay.  Subalit paglingon ko sa bukid, dama kita sa mga luntiang dahong winawagayway ng sariwang hangin. Sa mga ibon na walang maliw sa paglipad sa ibabaw ng palayan na umaawit pa sa isang masaganang ani.

Hinahanap kita sa aking kapwa, wala akong mabakas na pinaghaharian mo sila. Ang namamasid ko’y mga taong mapag-imbot, makasarili, walang pakialam sa kanyang kapwa, mga taong hindi na tumutulong sa kanyang kapwa na silang nagiging sanhi pa ng kanilang pagkarapa. Pagdapang dapat ay alayan ng paglingap subalit nagiging sanhi pa ng kanyang paglubog.  Subalit nadarama  kita kapag ako’y nakakakita ng sanggol. Narito ang isang batang walang malay na kaloob ng Diyos.  Isang batang walang pagkukunwari sa kanyang mga ikinikilos. Tumatawa kapag naliligayahan at umiiyak kapag nasasaktan. Narito ang isang sanggol na waring ibinubuka ang kanyang pakpak sa pamamagitan ng kamay at humihingi ng kalinga sa kanyang mga magulang.

Hinahanap kita sa aking tabi, sa aking pagtulog, ngunit ang nakikita ko’y dilim sa sulok ng kabahayan.  Natatakot ako sa dilim. Baka masilo ako ng asong gubat sa landas ng kadilimang aking tinatahak. Ah! Inaantok na ako, ipinatong ko ang aking kamay sa aking dibdib, ano’t sa pagkapatong nito’y nadama ko ang pintig ng aking puso, naalala kita Kristo, ikaw ang nagbigay ng aking sarili sa akin, narito’t dama ko ang iyong pagmamahal. Sa bawat pintig ng buhay na ipinagkaloob mo na hindi pumapalya mula pa ng aking pagsilang. Oo nga Kristo, hindi nga kita nakikita subalit nadarama kita sa lahat ng magagandang bagay na nakikita ko sa aking paligid!

...SA KAMPANARYO NG SAN RAFAEL!


Umuulan noon walang masulingan,,
Kinupkop sandali ng Inang Simbahan,
Dinampi ang lamig ng aking katawan,
Na tigmak sa tubig, kaluluwa’y tigang.

Sikip nitong dibdib, pusong nagdaramdam,
Hiling ay damhin ng, mapagpalang kamay,
Magamot ang sugat, maluwat ng taglay,
Hapo na ang diwa laman pa ay pagal.

Pagkat di madala ang hirap na pasan,
Ingay ng daigdig di na makayanan,
Nasaan ang hanap na kaligayahan,
Madilim ang sulok ng kapighatian.

Sa paghihikahos ng hangin sa dibdib,
Kumawala sa ‘kin ay hiyaw na impit,
Tumakbo sa dakong higit na tahimik
At iniluha ang tubig ng hinagpis.

At ang kampanaryo ang kinasadlakan,
Lumatag ang aking pagod na katawan,
Saglit lang at agad ako’y nagkamalay,
Sa hanging sariwang dito’y tinataglay.

Malaya ang matang pilit ginalugad,
Sa sulok ng diwa’y pilit na hinanap,
Kung ano ang dahil kung bakit may galak
Ang kaluluwa ko damdam ay umangat.

Narito, daigdig ang nilalarawan
Ng lugar na ngayo’y aking abot-tanaw,
Sa bandang kaliwa ay ang mga patay,
Sa kanang bahagi ay ang mga buhay.

Sa pananahimik at sa pagninilay
Kay lakas ng tinig na umalingawngaw,
Sa libingan, parang at sa kapatagan,
Dinggin ang pagtawag ng isang batingaw.

Sino mang may lungkot sino mang may hapis
Sino mang may dusang kay tagal tiniis,
Halina sa silong ng tahanang hitik
Sa mga biyayang nagmula sa langit.

Lahat ng nilalang ay tinatawagan,
Magsaya’t magpuri sa Poong Maykapal,
Halina mabuti at makasalanan,
Biyaya ng Diyos sa inyo ay laan.






.....UMAWIT ANG ILOG!


Isang matahimik at gabing malamlam,                
Natakpan ng ulap ang sikat ng buwan,
Nadama ang lungkot at ang kapanglawan,
Habang binabaybay ang ibabaw ng dam.

Sinadyang maglakad sinundan ang agos,
Matamang humimpil sa katabing ilog,
Dinama ang lamig na kanyang dinulot,
Sa lupa’y ‘dinikit ang katawang pagod.

At sa pagkahiga’y natingin sa langit,
Buwan at bitui’y bahagyang nasilip,
Liwanag at kislap ligaya ang hatid,
Ayaw nang kumurap, ayaw na maidlip.

Sa pagkakahiga ay mayr’ong narinig
Na isang malamyos at mahinang tinig,
Ang  kamay sa tainga’y agad idinatig,
Upang mawari ko mahiwagang tinig.

Tumindig, ginagap kung saan nanggaling,
Ang nakalulungkot na isang awitin,
Pulos pagdaramdam puso’y may hinaing,
Hirap ang isipan laman ay panimdim.

“Damahin mo sana ang aking paghibik,
Pakinggan mo nawa ang paos na tinig,
Pakaingatan mo kahit isang saglit
Ang pagmamahal mo’y huwag ipagkait

Inalagaan ko ang munti mong ilog,
Binayayaan ka ng libong alindog,
Sumaksi sa kanya ang ilang pag-irog,
Ano ang kapalit na maihahandog?

Tinagpas mo tao na kunwa’y di batid,
Malabay na punong sa ki’y nakadatig,
Maging mga ugat ay iyong pinatid,
Ang panghihinayang ay wala sa isip.

Hinukay ang bato at mga buhangin,
Na hindi tinantya ang lawak o lalim,
Di makatampisaw ang iba sa akin,
Pagkat natatakot sa hukay malibing.

Kay tagal kinupkop itong mga isda,
Bukas ang palad ko sa pag-aalaga,
Sa linis ng tubig sila’y inaruga,
Sa kagagawan mo namatay, nawala.

Lumawak lumalim nawalan ng ganda,
Nawalan ng kulay nawalan ng sigla,
Sa kinabukasan ano pang ligaya
Sa mga anak mo’y maihahandog pa.

Dinggin mo ang hibik at ang panambitan,
Huwag akong hukayin bagkus alagaan,
Nag-aalala kong pag ‘di tinigilan,
Hukay ay siya mong magiging libingan!













....TIYOBIBO!


MINSAN AKO'Y NAPADAAN,               KAPARA NGA NG TIYOBIBO,
SA NAYONG MAY KAPISTAHAN,        ANG KAPALARAN NG TAO,
DINAMA ANG KASAYAHAN,                PAITAAS, PABABA ITO,
GALAK SA PUSO'Y NAKAMTAN.         PARANG GULONG NGANG TOTOO.

SA GITNA NG KAGULUHAN,                NAKAHIHILO TALAGA,
TIYOBIBO'Y NAMATAAN,                     ANG BUHAY NG BALANA,
TUWA, LUHA AT HIYAWAN,                HINDI ALAM ANG PAPUNTA,
ANG BIGLA KONG NASAKSIHAN.        SA BALAKING MATAGAL NA.

SA MAHINANG PAG-INOG,                  PAGKAT HINDI MO NGA HAWAK,
NG HIGANTENG KORTENG BILOG,      BUHAY MONG SA 'YO'Y  LAGAK
ANG TAAS AY GABUNDOK,                SA MAYKAPAL ITO BUHAT,
KATAYUGANG DI MAABOT.                KABAYARA'Y HINDI SAPAT
.
SA KAUNTING BARYA,                                    SAAN KA NGA BA PUPUNTA
HINILA NG AKING PAA,                                   PAITAAS O PABABA BA?
SUMAKAY KAPAGDAKA,                                SA ITAAS TUTUDLAIN KA,
SA TIYOBIBONG PAPAALSA.              SA IBABA TATAPAKAN KA.

UMIKOT NG PAITAAS                          ANO MAN ANG MANGYARI,
LIGAYA ANG AKING NALASAP,                       MABIGO MAN O UMIGI,
PAGBULUSOK AY KAY SAKLAP,        BASTA GAWIN ANG MABUTI,
TIYAN KO AY NAHUMPAK.                  D'YOS ANG SA 'YO AY PUPURI.

.............IN SEARCH FOR FREEDOM


         Starlets posing nudes or baring their all in a sex movie, tabloids containing obscene pictures, movie stars with two or three relationships, stars admitting same sex relationships, singers and composers with their double meaning compositions, militant group with their sharper-than-sword imparting of words against government, (What government they think they do belong?) they have one thing in common—they do believe they are practicing their right of freedom of expressions.

            They all now come out in groups. Posing with thin sheath of clothing in public. More often than not, the public display is coincided with their bouncing moves and kinky melodies; the voice quality is not a preference. They tease the crowd, the crowd react, most likely when they are about on the brink of moral destruction, these groups shouted foul and reiterate they should not be treated the bad way for all they do are for arts’ sake.

            Tabloids too share their alleged sense of artistry by printing nude pictures and stories of fictional sexcapades. Curious youths are caught unaware of the bad effects of the sex fantasies of unknown writers. They should have done something more worthwhile than reading these kind of what they say an expression of human sensitiveness toward sex.

            Some groups have their way of expressing their so-called freedom of expression. My existence survived five presidents of the Republic of the Philippines. With these I can still remember them unsparingly tagged every president the monotonous word “RESIGN.”  As if no one could pass their own judgment of a president.  They say they lost their freedom when the police halted their rallies and fiery, spicy speeches. They say they lost their freedom and yet if only words can make one die, the president could die a thousand deaths.  As the president and as the head of the nation, shouldn’t he/ she deserves to be treated like the head of the family who also deserves to be respected as well because he/she thinks of the welfare of the nation?

            Everyone is entitled to his own opinion. Everyone has the right or privilege to freedom of expression.  But for me, freedom should have boundaries and limitation.  That is the freedom of the other fellowmen, the majority, who are silent, decisive, open-minded, legally inclined, people who deserve decency, integrity, and prefer a quiet way of living.
           

ANG TANGI KONG MAHAL



MATAMAN MONG MASDAN ANG AKING PAG-IBIG
ANG WALANG KATULAD NA AKING INIBIG
PINAKAMAGANDA DITO LANG SA ISIP
GANDANG BANAAG LANG KUNG IKA'Y PIPIKIT.

SA MALAYO PA LANG AY MALALAMAN NA
ANG KARIKTANG DULOT NG AKING PAGSINTA
MAGING WONDER WOMAN TALO SA LAKAD N'YA
MAKARARAAN ANG BUNTIS NA BAKA.

KULOT NIYANG BUHOK LAGING SINUSUKLAY
NGUNIT BUHOL-BUHOL LAHAT NGA AY PATAY
KAY GANDANG MALASIN MAITIM NA KULAY
SA BARADONG ILONG MABANGO PANG TUNAY.

PAGKAT ANG SIKRETO NG KANYANG ALINDOG
PINAGHALONG ULING AT LANGIS NG NIYOG
PINAKAPILI PA'Y YAONG MABUBULOK
ANG KATAS DAW NITO'Y MAYROON PANG GAMOT.

ANG IPINAPAHID SA ANGKING MUKHA NIYA
AY SIKRETO RIN NG BABAENG MAGANDA
ANG KAIBAHAN LANG HILAW ANG PAPAYA
KAPAG IKINASKAS PAGLABAS ATSARA.

HINDI KO NAPANSIN ANG TAGLAY NA KILAY
NG AKING MAMASID HINDI PALA PANTAY
PILIK-MATA PALA NG KAMBING ANG BAGAY
YAON PANG GAMIT NA NI PARENG BINIGAY.

MALAMLAM ANG MATA KUNG SIYA'Y TUMINGIN
MAYRONG PANGHALINA ITONG INAANGKIN
PAGMASDAN ANG LAGAY NG DALAWANG ITIM
SALUBONG TALAGA MGA MATA'Y DULING.

MAHINHIN MASYADO KUNG SIYA'Y TUMAWA
ANG NGIPIN N’YANG DILAW AYAW IPAKITA,
NGUNIT KUNG NGUMITI SADYANG HANGGANG TENGA
KUNG TUMAWA’Y KITA PATI NGALANGALA.

KAPANSIN-PANSIN DIN ANG MAYAMANG DIBDIB
ANG MAYON VOLCANO ANG NAKAKAHAWIG
KUNG PAGMAMASDAN MO AY KAIBIG-IBIG
BASAHAN KALAMANSI DITO'Y ISINIKSIK.

KAPAG MAGKASAMA'Y IPINAGMAMALAKI
KAPANSIN PANSIN NGA ANG KANIYANG BEAUTY
NAPAPALINGON ANG TAONG MARAMI
SA TAGLAY NA AMOY AMOY KILIKILI.