Subalit ang araw
maging mga ulap,
Sa pagtataguan ay
ayaw paawat.
Sa laruang langit na
sadyang malawak,
Kapwa nagnanais na
makapaglayag.
Ngunit tadhana na!
Ngunit tadhana na!
Kahit na pigilin ng
lambong ng ulap,
Umaga’y sasapit gabi
ay lilipas,
Ang bagong pag-asang
hatid ng liwanag,
Biyaya ng langit,
kaloob sa lahat.
Sa ibabaw ng dam!
Sa tubig ng buhay na
sadyang hinarang,
Mga gintong sinag ay
pumailanlang,
Ga-higanteng bolang
mula sa silangan,
ang nagsilbing
tanglaw sa sandaigdigan.
Sunong ay baunan
bitbit ang kaldero,
Nangagdudumali lakad
ay patakbo,
Mangagkakainan ng
kung anu-ano.
Sa batuhang landas ay
nag-uunahan,
Bahagyang maputik ay
nilalakaran,
Hindi alintana ang
init ng darang,
Sa piknikang ilog na
patutunguhan.
Itong labandera!
Halos ay umawit
habang naglalaba,
Ngunit ‘di kaila ang
pagod sa mata,
Sugat nitong kamay
hindi iniinda,
Salakab at dala ay
nagsalit-salit,
Iba’y walang hunab sa
kapapamingwit,
Halos sabay-sabay sa
pag-alumpihit,
Bawat isa’y hangad na
isda’y masungkit.
Mga nagpapastol!
Ng alagang baka at
mga kalabaw,
Pilit na binagtas ang
kabilang pampang,
Nangaghahanap ng
luntiang damuhan,
Na pamatid-gutom at
kapahingahan.
At ang magsing-irog!
Saksi ang malabay na
dahon ng puno,
Ang mga pangarap ay
dito binuo,
Walang magmamaliw sa
kapwa kasuyo.
Ngayon ay nahan na?
Ganitong tanawin sa
nasabing ilog,
Hinukay sinira ang
angking alindog,
Kung nais damahin ang
ligayang dulot,
Mangarap na lamang sa
iyong pagtulog!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento