Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
mga payapang oras ni Tita Lorna ay pinalilipas niya sa makasining na bahagi ng
kanyang buhay-ang pagpipinta.
Ilan sa mga ipinintang obra maestra ng ating Tita Lorna Silverio |
Kalikasan,
pang araw-araw na buhay, ayuda sa mga kababaihan, at higit sa lahat may
kaugnayan sa kalikasan.
Ang simpleng
bagay na mula sa kanyang balintataw ay hinagap lamang sa kanyang tunay na
kakanyahan bilang malikhain hindi lamang sa maliliit na bagay kundi sa mga mas
malalaking proyekto na iginuhit mula sa kanyang mga pangarap.
Mga larawan ng mapangarap na Tita Lorna, ng isang nag aalay ng tunay na Lingap at Serbisyo! |
Nasa
kanyang diwa at damdamin ang dibuho, ang obra maestra ng isang matatag at
kaibig-ibig na pamayanan.
Ang
Government Center ng San San Rafael ay katuparan ng pangarap na yaon. Mga
programang nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan, ang sasakyan na pang
alalay sa katahimikan ng pamayanan, mga paaralan, mga covered courts ng
paaralan na kanlungan ng mga scholars at mga mag-aaral, mga brangay hall, at
iba pang mga programang nagtanghal sa Ikatlong Distrito bilang mga bayang umuunlad.
Higit
sa rito ang pagdibuho mula sa isipan ng ating Tita Lorna sa isang Area
Development Plan kung saan kasama ang tinatawag nating Circumferential Road na
sa pamamagitan ng mahabang daang lansangan, napag-ugnay nito ang anim na bayan
ng Ikatlong Distrito. Dagdag pa ang pagguhit ng tinatawag na Plaridel By-pass
Road mula sa Balagtas, tinatahak ang bayan ng Plaridel, Bustos, San Rafael, San
Miguel na nag uugnay sa Daang Maharlika patungong Nueva Ecija. Nakita ng
National Government ang magandang planong ito kaya palalaparin ito at magiging
bahagi ng North Luzon Expressway.
Sa
kabila ng mga idinibuho, ipinintang mga pangarap na ito na nagkaroon ng
katuparan, ang kanyang walang limitasyong pangarap na makapaglingkod ay naroon
pa rin kung kayat ninanais niyang makabalik upang ang mga ito ay maipagpatuloy
sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang pagbibigay ng Lingap at Serbisyo sa
Ikatlong Distrito ng Bulacan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento