Huwebes, Mayo 5, 2016

Ang Pagbabalik ng LINGAP at SERBISYO!

                  Lingid sa kaalaman ng lahat, ang mga payapang oras ni Tita Lorna ay pinalilipas niya sa makasining na bahagi ng kanyang buhay-ang pagpipinta.
Ilan sa mga ipinintang obra maestra ng ating Tita Lorna Silverio
              Kalikasan, pang araw-araw na buhay, ayuda sa mga kababaihan, at higit sa lahat may kaugnayan sa kalikasan.
       Ang simpleng bagay na mula sa kanyang balintataw ay hinagap lamang sa kanyang tunay na kakanyahan bilang malikhain hindi lamang sa maliliit na bagay kundi sa mga mas malalaking proyekto na iginuhit mula sa kanyang mga pangarap.
Mga larawan ng mapangarap na Tita Lorna, ng isang nag aalay ng tunay na Lingap at Serbisyo!
                Nasa kanyang diwa at damdamin ang dibuho, ang obra maestra ng isang matatag at kaibig-ibig na pamayanan.
     

              Ang Government Center ng San San Rafael ay katuparan ng pangarap na yaon. Mga programang nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan, ang sasakyan na pang alalay sa katahimikan ng pamayanan, mga paaralan, mga covered courts ng paaralan na kanlungan ng mga scholars at mga mag-aaral, mga brangay hall, at iba pang mga programang nagtanghal sa Ikatlong Distrito bilang mga bayang umuunlad.
                Higit sa rito ang pagdibuho mula sa isipan ng ating Tita Lorna sa isang Area Development Plan kung saan kasama ang tinatawag nating Circumferential Road na sa pamamagitan ng mahabang daang lansangan, napag-ugnay nito ang anim na bayan ng Ikatlong Distrito. Dagdag pa ang pagguhit ng tinatawag na Plaridel By-pass Road mula sa Balagtas, tinatahak ang bayan ng Plaridel, Bustos, San Rafael, San Miguel na nag uugnay sa Daang Maharlika patungong Nueva Ecija. Nakita ng National Government ang magandang planong ito kaya palalaparin ito at magiging bahagi ng North Luzon Expressway.

                Sa kabila ng mga idinibuho, ipinintang mga pangarap na ito na nagkaroon ng katuparan, ang kanyang walang limitasyong pangarap na makapaglingkod ay naroon pa rin kung kayat ninanais niyang makabalik upang ang mga ito ay maipagpatuloy sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang pagbibigay ng Lingap at Serbisyo sa Ikatlong Distrito ng Bulacan.