Noong unang Linggo ng Hulyo taong
1850. may nakitang lumulutang na krus sa bunganga ng Bocaue River o mas kilala
noon na Wawang Capiz. Hinango ang krus ng isang mangingisda at ito’y dinala sa
kanyang kubo hanggang maisipan ng
mangingisda na ibahagi ang biyaya ng pagkakakita sa krus at ipinasyang
dasalan ang krus ng may isang taon hanggang napagkasunduang iparada sa
ilog na nakalagay sa isang malaking
Bangka. Ito rin naman ay pinaliligiran ng mga maliliit na Bangka upang mas marami ang makidiwang
sa prusisyong ito.
Pinaniniwalaang ang itim na krus
ang siyang nagdadala ng kasaganaan ng ani ng mga Bocauenyo. Mula noon ay
taon-taon ang pagdayo ng maraming deboto
sa tinaguriang Pagoda Festival na
ginaganap sa Bocaue, Bulacan.
Ika-2 ng Hulyo 1993 sa halip na
kasiyahan at banal na prusisyon ang muling maranasan sa Pagoda Festival,
trahedya ang naganap. Umabot sa 500 ang
sumakay rito at sa hindi inaasahang
pangyayari, lumubog at 266 ang nasawi. Ang kabanalan at kasiyahan ay napalitan
ng pagluluksa at kapighatian.
Makaraan ang 21 taon, ang mga
deboto ng mahal na itim na krus ay handa na muling buhayin ang tradisyon at pananalangin.
Handa na raw silang mag babang
luksa sa nakalipas at nais simulan ang isang makasaysayan at pagpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap ng
mga Bocauenyo.
Sinisiguro nila ang mas matibay na pagoda at ang paghihigpit sa
bilang ng mga debotong sasakay sa pagoda.
Maging ang Kapitolyo ng Malolos sa pangunguna ni Gobernador Wilhelmino
Sy-Alvarado, Chief Jim Valerio, Senior Supt. Ferdinand Divina, at Hermanidad ng
Pagoda Festival kasama rin sina G. Ruben
Mendoza at mga kasama ay naglaan ng araw
upang magkaroon ng pagtataya at magkaroon ng mga batayan at alituntunin
upang masiguro ang kapayapaan, katiwasayan at pagiging ligtas ng mga deboto.
Sa kabila ng puspos na
paghahanda, naniniwala pa rin si G. Jim Valerio na walang hihigit pa sa taimtim
na panalangin ang bawat isa sapagkat ang kapanatagan, kaligtasan at pag-iwas sa
mga sakuna ay pangunahing nakasalalay sa ilalim ng biyaya at pamamatnubay ng
ating Poong Lumikha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento