Lunes, Hulyo 1, 2013

TIWALA LANG...

(For such a short time in the middle of the pouring rain, in the middle of a cozy, quiet place in Calantipay, earned the frienship of a photographer, an apprentice, two models and a businesswoman. A simple photoshoot, helped widen my horizon of knowing people i suddenly met, thank you my friend Calvin, for making the way)


Bakit ka nakatungo?
Nag-iisa ka ba?
Hindi a!
Akala mo lang yun,
Nasa isip lang yun!  

Bakit?
Ano nga ba ang maitutulong ng iyong kasama,
Ng iyong kaibigan,
Wala.
Ikaw mismo kasi hindi mo ipinagkakatiwala sa kanya,
Ang iyong karanasan,
Ang iyong damdamin,
Ang iyong kalooban!

Subalit isa lamang ang aking natitiyak,
Ikaw lamang ang mismong may hawak ng iyong isipan,
Ng iyong puso, ng nararamdaman, 
ng pangungulila,
Ng kapighatian.


At kung sa akala mo ay nag-iisa ka...
Nagkakamali ka,
Sapagka't sa kaibuturan ng iyong puso,
Sa kailaliman ng iyong pananampalataya,
Alam mo na may kasama ka.

Sa lahat ng iyong mga nakakatuwa at kakatwang karanasan,
Sa lahat ng iyong pagdapa,
Sa iyong pagbangon,
Isa lamang ang lagi mong baunin,
Sa pagtahak sa landas ng buhay.
Ang isiping laging may umaalalay.

TIWALA LANG!!!













1 komento:

  1. maraming maraming salamat po . . sana po ay maulit ang maigsing pasamasama naten.. Godbless po.. :)

    TumugonBurahin