Linggo, Hunyo 16, 2013

FOOD TRIP...TALAGA!

Simple lang ang celebration namin ng Fathers'Day. Totoong naging trip upang maghanap ng kakainan. 

Ito yung madalang na pagkakataon na kasama ang pamilya sana na kakain sa labas subalit wala ang aking panganay na si Jose at pangalawa na si Juan.

Lulan ng tricycle, sinabi ko sa kabiyak ko na kakain kami sa THIRDY's kaso hindi sila nagbukas, kaya ipinasya naming sa Edison LTB, o sa GELAI na lang sa dahilang naghahanap din kami ng medyo mura para tipid.

Sa LA FAMILIA kami nakatakda sanang kumain subalit SRO kaya sa NE Restaurant kami natuloy.

Kalahating order ng Siomai, kalahating order ng Beef Caldereta, may affordable meal din kami na Chicken with Rice, at isang malaking Halo-halo bilang dessert. 

Ganito lang kasimple ang paggunita namin sa Father's Day. 

Ganito lang subalit masaya!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento