Sa ikalawang pagkakataon, dinalaw ni G Tony Meloto, ang founder ng GAWAD KALINGA-Philippines na siyang bumalangkas at nagpasimuno, nangalap ng mga sponsor upang maisakatuparan ang proyektong pabahay na ito na matatagpuan sa Sitio Bitak, Maronquillo, San Rafael, Bulacan.
Si Bb. Mary Chan ang unang tumugon at nag-alay ng isang ektaryang lupain.
Si BB. Cielita Pagador, ang nag-sponsor ng mga materyales sa tatlumpung unang kabahayan para sa mga walang matuluyan.
Si G. Philip Ong naman ang siyang nagkaloob sa pangangailangan sa Multi-purpose Hall, at sa Day Care Center.
Kasama sa pagdalaw na ito ang butihing mayor Tita Lorna Silverio na buong kagalakang pinagyaman ang mga biyayang itong mula sa mga may mabuting loob at ipinapanalangin na harinawa may mga mabubuti pang puso ang magkaloob ng lupa malapit sa mga naitayo na sapagkat sa ngayon nga ay masayang ipinaaabot ng butihing mayor na mayroon ng nangako na magkakaloob ng ikatlong bahagi ng isang ektarya. Kapag nakabuo ng isa pang ektaryang ipagkakaloob, matutupad ang pangarap na magkaroon muli ng tatlumpung bahay pa dagdag sa nauna nang naipatayo.
Kaisa sa mga naroon sina G. Gil Estrella, G. Pol Casiño, mga Pinuno ng tanggapan ng pamahalaan ng San Rafael, gaya nina Gng Vicky Ramos, Gng.Nerisa Villanueva, Engr. Romualdo de Castro, at mga kamag-anakan ni Bb. Pagador na mula pa sa Amerika.
Mainit naman ang pagtanggap ng Pangulo ng Kapitbahayan na si G. Peter Jerson Manangan. Ipinaabot niya ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong lalong higit sa mga naghandog ng panahon, ng talino at ng salapi upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Tunay ngang kaaya-ayang masdan ang mga bata at magulang, isang pamilya nanakangiti, mga bahayang bunga ng sariling pagpapagal, patunay sa mga salitang Ingles na dito sa lugar na ito makikita mo at mararamdaman na “THE HOUSE IS REALLY A HOME!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento