

Isang simpleng pang araw-araw na pagkain, ang minasa, subalit dahilan sa pagkakataong ibinigay ng Pamahalaang Bustos, sa pamamagitan ng magiting na Alkalde Arnel Mendoza, dito nagsimula ang simpleng kaalaman kung paano ginawa ang pagkaing ito. At mula sa simpleng paraan na ito lumawig din ang kaalaman mula sa sangkap, sino ang nanguna, sino ang lumasap, hanggang sa tugaygayin ang panahon ng pagsilang ng minasa, panahon kung paano nanlumo, nalugmok at kung paano bumangon ang bayang ito.

Masasaksihan ang ilan sa mga pagbabalik tanaw sa kasaysayan
sa pamamagitan ng Imnong mismong ang Alkalde ang kumatha at mga maiikling
pelikula kasaliw ang awiting nilikha na sadyang inilaan lamang sa Minasa
Festival.

Kaalinsabay nito
ang pagkakaroon ng isang maikling panayam na mula pa sa mga paham ng ibat-ibang
sulok ng Pilipinas na hinihikayat ang mga mamamayan na payabungin pa ang
pagsasaliksik sa mga tagong yaman ng kasaysayan ng Bustos.

Ang mga bihasa na siyang nagbigay ng maikling panayam sa pagbubukas ng MINASA FESTIVAL na ginanap sa SM CITY, BALIWAG! BB. LAILA LABAJO "Cultural Heritage Mapping" BB. ANNE LAZARO "Kaluto ng Bustos" G. ARVIN D. EBALLO "Kahalagahan ng Pananampalataya" G. JUAN MIGUEL SAN PEDRO "Historical Houses in Bustos" PROF. ALBERT BANICO "Punong Tagapagpakilala" |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento