Sabado, Agosto 29, 2015

GAWAD KALINGA HOPE II VILLAGE/FLOR DE CIEL: WHERE A HOUSE IS REALLY …A HOME



 

Sa ikalawang pagkakataon, dinalaw ni G Tony Meloto, ang founder ng GAWAD KALINGA-Philippines na siyang bumalangkas at nagpasimuno, nangalap ng mga sponsor upang maisakatuparan ang proyektong pabahay na ito na matatagpuan sa Sitio Bitak, Maronquillo, San Rafael, Bulacan. Si Bb. Mary Chan ang unang tumugon at nag-alay ng isang ektaryang lupain. 

Si BB. Cielita Pagador, ang nag-sponsor ng mga materyales sa tatlumpung unang kabahayan para sa mga walang matuluyan. Si G. Philip Ong naman ang siyang nagkaloob sa pangangailangan sa Multi-purpose Hall, at sa Day Care Center.




 Kasama sa pagdalaw na ito ang butihing mayor Tita Lorna Silverio na buong kagalakang pinagyaman ang mga biyayang itong mula sa mga may mabuting loob at ipinapanalangin na harinawa may mga mabubuti pang puso ang magkaloob ng lupa malapit sa mga naitayo na sapagkat sa ngayon nga ay masayang ipinaaabot ng butihing mayor na mayroon ng nangako na magkakaloob ng ikatlong bahagi ng isang ektarya. Kapag nakabuo ng isa pang ektaryang ipagkakaloob, matutupad ang pangarap na magkaroon muli ng tatlumpung bahay pa dagdag sa nauna nang naipatayo.


 Kaisa sa mga naroon sina G. Gil Estrella, G. Pol Casiño, mga Pinuno ng tanggapan ng pamahalaan ng San Rafael, gaya nina Gng Vicky Ramos, Gng.Nerisa Villanueva, Engr. Romualdo de Castro, at mga kamag-anakan ni Bb. Pagador na mula pa sa Amerika. Mainit naman ang pagtanggap ng Pangulo ng Kapitbahayan na si G. Peter Jerson Manangan. Ipinaabot niya ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong lalong higit sa mga naghandog ng panahon, ng talino at ng salapi upang maisakatuparan ang proyektong ito. 
 Tunay ngang kaaya-ayang masdan ang mga bata at magulang, isang pamilya nanakangiti, mga bahayang bunga ng sariling pagpapagal, patunay sa mga salitang Ingles na dito sa lugar na ito makikita mo at mararamdaman na “THE HOUSE IS REALLY A HOME!”

DALAMHATI NG ISANG INA


Isang mapanglaw na gabi, kumukulog kumikidlat
Si Sisa’y ‘di mapakali punong-puno ng bagabag
Ang kaluto ay lumamig sa kahihintay ng maluwat
Pag-uwi ng dalawang anak sa puso ay tinitiyak.

Ang lagitik ng kawayan sa sulok ng kadiliman
Ang sa puso'y nagpasikdo sa ligayang inaasam
Mga paa’y di magmayaw, salit na nag- uunahan
Ang kusina ay nalapit sa malayo pang hagdanan.

Ang kaninang pananabik ay nadimlan ng pangamba
Lumalaot na ang gabi’y wala pa ang mga sinta
At sa kanyang pagtalikod nagdumali ang asawa
Nilantakan ang pagkain wala man lang itinira.

Umagos ang mga luha nasadlak sa isang sulok
Halos hindi makahinga waring punyal nakatusok
Nahati rin ang ligaya nang si Basilio ay sumulpot
Ngunit pagod at duguan, dagli siyang nakatulog.

Hindi na rin naikali si Crispin ay nasaan na ba
Ang dugua’y pinagyaman, ng nagdadalamhating ina
Impit yaring paghagulgol hilam sa luha ang mata
Nanginginig ang katawan sa mga anak na inaba.

Walang salitang angkop sa kanyang nararamdaman
Kung paano ilalahad ang mga kaganapan
Taglay pa rin ni Basilio maging sa balintataw
Ang panaghoy ni Crispin at pagsamong palahaw.

Mga walang kamalaya’t inosenteng magkapatid
Hinding hindi makawala sa matinding pag-uusig
Mismong ang Sakristan Mayor dahilan ng paghihigpit
Yaman nga raw ng Simbahan ay kanilang kinukupit.

Ang imbing Sakristan Mayor na s’yang naging taga-usig
Sa salang hindi ginawa ng kawawang magkapatid
Ngunit ang mga paratang ang siya ring iginigiit
Ang isang pagkakasala ipina-aaming pilit.

Walang puknat na hambalos ang naranasan ni Crispin
Nagpumiglas, nagsumubsob, ang sakit ay walang maliw
Si Basilio ay napatda nagngangalit ang mga ngipin
Tanging ang kanyang nagawa ipukpok ang ulo sa pader.

Aking kaka kung maari ay huwag mong iiwanan
Buhay ko ay kikitlin huwag mo kong pabayaan
Nagitla si Basilio habang unti-unting naparam
Ang lagatok ng mga palo at pahinang mga sigaw.

Sa gayong pangyayari ay tumakbong papalabas
Ang kapalaran ng kapatid ay hindi niya matanggap
Hilam sa mga luha, ang direksyon di magagap
Nadaplisan man nang baril hindi ininda ang sugat.

Mag aagaw dilim pa lang tinungo na ang simbahan
Ang kapalaran ni Crispin ay nais na niyang malaman
Ngunit lubhang mga tikom ang bawat mapagtanungan
Guwardia Sibil ang nagtulak upang umuwi ng tahanan


Basilio, Crispin, mga anak kayo baga ay nasaan
Ang inang namimighati matitiis nyo bang saktan
Hindi ko matitiis na di kayo masilayan
Hungkag itong aking puso isip ay di makayanan

Walang araw walang gabi at sandali na sinayang
Halos ay nanlilimahid nakababad sa lansangan
Labis ang paghihinagpis nakatungo sa kawalan
Kumawala na ang isip sa labis na kalungkutan.

Dagdag pa ang pag-uusig nitong mga guardia sibil
Sa patuloy na paghanap kay Basilio at Crispin
Makita man kahit hindi may bagabag may panimdim
Bawat araw na dumaan sumusugat sa damdamin

Sa sulok na hindi hayag ay may isang kaluluwa
Tiim-bagang ang pagluha, nanlilisik ang mata
Walang lakas na damayan, ang nagwawalang ina
Bawat tawag, bawat hiyaw tumitimo sa puso niya.

Sumasayaw umaawit sa kainitan ng araw
Kapag pagod humahalik sal upang tinatapakan
Kapag nalulugmok ang ina o kay sakit na mamasdan
At nakakandado lagi sa walang rehas na kulungan.

Nakadudurog ng pusong minsan ay napagmasdan
Mula ulo hanggang paa ang ina ay duguan
PIna-awit pinasayaw ngunit ng di nagustuhan
Hinambalos at binugbog hanggang manghina ang katawan.

Sa halos walang ulirat ang ina’y pasuray-suray,
Sa libis ng kanilang nayon ay panakaw na sinundan
Nang magawi sa sang sulok malapit sa kakawayan
Hagulgol at biglang hatak sa duguang mga kamay

Kagyat na niyakap ang inang kay luwat na nagkalayo
Nakilala nitong si sisa ang anak niyang si Basilio
Madamdaming sa kagubatan  ang dalawa ay nagtagpo
Sa kandungan ni Basilio, buhay ni Sisa ay naglaho.







A ROAD TRIP TO MAYUMO (HOUSES THAT DATE BACK TO HISTORY)!




     Kuya Bobot Tecson, the grandson of Simon Tecson, a  noted  war hero of San Miguel, called me up for a trip to San Miguel, Bulacan. For whatever reason, I was made to join, along with Ate  Nerie, Kuya Gilbert and wife on the road through a town I only knew then was filled with memories of the past. The past that made San Miguel used to be known if only one should be serious enough to date back what had happened to people, places and most likely of houses where doors should only be unlocked to reveal the richness of history piled therein.

    Come open each door of old houses, take the road where ancestors of San Migueleños onced traveled and places where they had built their dreams. Houses, roads, and places-remnants of the way they lived, how they fall and how they triumphed. Truly it was a short trip to San Miguel de Mayumo, and a quick look on links to History.

                                         Brief History

San Miguel de Mayumo was originally a Visita of Candaba, Pampanga founded in 1607. It became an independent parish in 1725.
In 1726, San Miguel de Mayumo was aggregated to Gapan, Nueva Ecija as a visita,
On May 17, 1848 it was annexed from Pampanga.
San Miguel de Mayumo becane independent from Macabebe in 
1872.



 The town's present Church of St. Michael the Archangel, built (or rebuilt) in 1848 by Fr. Juan M. Tombo, was completed in 1869 by Fr. Francisco Arriola.  It was restored many times and its painted ceiling on the nave and dome was done by Italian artist Alberoni. In 1941, the entire roof over the nave collapsed during the bombing of the San Miguel Bridge by Japanese forces during the onset of World War II. The statue of St. Michael the Archangel slaying the dragon, said to have been found in Madlum Cave, is located at the center panel of the pediment which is topped by a bell tower.  The magnificent and massive convent, built by Frs. Tomba, Arriola and Ortiz, currently serves as the San Miguel Catholic Institute.

"Simon Tecson House"

Located at San Vicente, SAn Miguel. The original house was built through the effort of Doña Tomasa Mossessgeld Santiago at Tecson's land. Burned during Cholera Outbread, and later the youngest Tecson took owner of the house.

One of the Tecson's grandson is pointing out a secred window's exit whenever he's not allowed to go out!


        


        Here, Kuya Bobot is showing the particular place where the members of the alleged oppressors of Spaniards tied on a pole and let die in the middle of the heat of the sun and let suffered the wrath of angry Spaniards so that others may see.





The Mossesgeld House, in Brgy. San Vicente, was formerly owned by the father of Jose Mossesgeld



        The 3-storey Don Catalino Sevilla Mansion, along Tecson St., Brgy. San Vicente, was the venue of the Celia Club, remembered as a grand social affair of the “Who’s Who” in the country.  During World War II, it was the headquarters of the Japanese Army.


Add caption



The Machine Gun House

Mason Temple

Mateo Tecson House

Believe to be the house of the "Hilot" who gave birth of most of the Barangays children during that day.

Narcisa (Doña Sisang) de leon;s House. Doña Sisang, known to be the mother of Philippine Movies and the owner of LVN Studios.

The oldest house in Mayumo

The Payawal House



The Siojo House

      The Damaso-Sempio House had Gens. Gregorio del Pilar (Sempio's nephew) and Artemio Ricarte as overnight guests. For a while, del Pilar’s saber, boots and his unit’s flag were kept in the house (later donated to the provincial government). The house also has life-size, century-old mannequins of Christ’s 12 Apostles.  They are paraded during Holy Week.